Chapter 26

898 30 3
                                    

Jennie's POV

"Seul do me a favor" pakiusap ko kay Seulgi sa kabilang linya. Naka one week leave si Chaeng, Jisoo told me what happen between Chae and Chanyeol.

"Anong kailangan mo Miss CEO?" mataray na tugon nito, kung hindi ko lang kailangan ng tulong nya ay malamang sa malamang nakatanggap na ito ng sigaw mula sa akin.

"I need your help Seul, please fetch my new model in airport together with her manager"

"Bakit hindi na lang ikaw?" napaikot ang aking mga mata, pinipigilan kong wag magalit sa kanya.

"I can't, I have a meeting to attend Seul. Please can you that for me?" pagmamakaawa ko sa kanya, narinig ko ang malalim na pagbuntunghininga nito.

"Okay but in one condition" napaawang ang bibig ko sa narinig ko.

"Okay spill" maikli kong tugon, matagal bago ito nakasagot.

"I want my friend to work in your company tutal ay naghahanap ka naman ng bagong photographer"

"What? Are you out of you're mind Kang Seulgi? Anong akala mo sa kompanya ko tapunan ng mga taong walang trabaho, para sabihin ko sayo hindi ganun kabilis makapasok rito" tiim bagang kong tugon.

"So ayaw mo? Okay mabilis naman akong kausap, masarap pa namang matulog ngayong hapon medyo malamig ang panahon ano sa tingin mo Miss CEO? Parang gusto ng pumikit ng mga mata ko-"

"Okay fine tell to your friend to come over tomorrow, bring some resume and see Miss Oh from HR Department" wala na din akong nagawa kundi pumayag, rinig ko ang malakas na sigaw mula kay Seulgi.

"Wag kang mag-alala Jen hindi ka magsisisi sa pagtanggap sa kanya sa kompanya mo magaling to kumuha ng mga larawan tsaka mag-edit"

"Well let's see, sunduin mo na ang model ko. Look for Miss Esther Yu that's the name of my model Seul, I will text her manager na papunta ka na. Drive them to the hotel na i-tetext ko sayo" pag-utos ko sa kanya.

"Copy Miss CEO" masaya nitong tugon na ikina-ikot ng mga mata ko. Ilang bilin pa ang ginawa ko bago ko putulin ang tawag, okay problem solved.

~

"Hello Miss Yu, I'm Jennie Kim" naka ngiti kong pakilala kay Miss Esther Yu, ang magiging bagong model ng kompanya ko for the summer collection project.

"Nice to finally meet you Miss Kim" naka ngiti din nitong tugon saka inabot ang aking kamay. Maganda si Miss Yu hindi na ko magtataka kung bakit isa ito sa mga sikat na actress sa China.

"Forgive me for not personally fetching you in the airport last day, I have so many errands to do" paghingi ko ng paumanhin sa kanya dahil sa hindi ako ang sumundo sa kanila nung nakaraang araw.

"Don't worry about that Miss Kim, me and my manager had a great time with Miss Kang Seulgi" nakahinga ako ng maluwag sa tinugon nyang iyon, hindi ko na kasi nakausap pang muli si Seul matapos nyang sunduin sina Esther at ihatid sa hotel.

"Miss CEO ready na po yung conference room" agaw ng pansin sa amin ni Chaeng, hindi na nito tinuloy pa ang one week leave nya bagkos ay kaagad na syang pumasok kahapon, siniguro nya na kaya na nya ulit magtrabaho. Tumango ako bilang tugon saka inaya si Miss Yu at ang manager nito patungo sa conference room kung saan magpipirmahan ng kontrata sa pagitan namin nina Miss Yu at ng bagong photographer. Sa totoo lang ay hindi ko pa nakikita ang bago kong empleyado ni pangalan nito ay hindi ko na inalam pero sa tingin ko naman ay magaling ito base sa mga sample pictures na ini-email sa akin ni Miss Oh kahapon.

"Where the hell is the new photographer?" nagpipigil sa galit na bulong ko kay Chaeng, nagkibit balikat lamang ito saka ibinaling ang kanyang paningin sa mga folder na kanyang hawak.

"Is there any problem Miss Kim?" nakangiting tanong ni Miss Yu sa tabi ko.

"Nothing Miss Yu don-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pinto ng conference room, iniluwa niyon si Miss Oh kasama ang isang taong hindi ko inaasahan.

"Am I late?" humihingal na tanong nito, nakasuot ito ng black pants at white shirt na napapatungan ng black blazer na naka tupi hanggang sa kanyang mga siko. Nakalaylay ang kanyang mahabang buhok at maayos ang pagkakasuklay ng kanyang bangs.

"No, just in time Lis" naka ngiting salubong sa kanya ni Chaeng saka inilalayan para umupo sa tabi ko, technically napapagitnaan nila ako ni Miss Yu.

"Hi Miss Kim I'm Lisa your new photographer" saad nito sabay lahad ng kanyang kamay, nag-aalinlangan man ay tinanggap ko iyon. Kaagad akong kumalas ng may maramdaman akong kuryente na gumapang sa magkalapat naming kamay.

"So Miss Yu this is Miss Lisa, she will be your photographer in this project" malapad ang pagkakangiti ni Miss Yu habang kumakaway kay Lisa.

"I know you, you're the student of my uncle in his photography class in Thailand" masayang sambit ni Esther habang pumapalakpak. Kaya pala hindi ko sya mahanap hanap dito sa Korea nasa Thailand pala ang mang-iiwan na to.

"Do you mean you know Sir John Yu?" tanong ni Lisa habang nakangiti.

"Yeah he is my uncle" tugon ni Esther gamit ang maliit nyang boses, nagpapacute ito sa harap ni Lisa habang nakahalumbaba sa ibabaw ng mesa "You know I want to meet you personally Miss Lisa back in Thailand"

"Oh is that so? Why?" tuwang tuwang tugon ni Lisa habang nakahalumbaba din kagaya ni Esther.

"There so many things I want to tell you" naka ngusong sambit ni Esther. Lisa nod signaling her to continue "Mai mee tang ka" saad ni Esther na nagpatawa ng malakas kay Lisa. Napuno ng tawanan nilang dalawa ang loob ng conference room.

Napasandal ako sa upuan habang nakahalukipkip saka palihim na umirap, kung anu ano ang pinag-usapan nilang dalawa gamit ang mga salitang hindi ko naiintindihan. Naiinis ako kapag naririnig ko si Lisa na tumatawa, hindi ako nakapagpigil walang sabi sabing tumayo ako sa pagkakaupo na ikinatigil nilang dalawa sa paghaharutan.

"Chae make them sign the contract" may diin kong wika saka lumabas ng conference room.

The Waikapu Guest House (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon