Chapter 21

902 32 2
                                    

"So how's the company my dear princess?" tanong ni Mr. Kim kay Jennie, kasalukuyang naghahapunan ang dalawa sa mansyon ng mga Kim.

"Doing great" maikling tugon ni Jennie habang nakatuon pa rin ang kanyang paningin sa kanyang pagkain. Sandaling pinagmasdan ni Mr. Kim si Jennie, minsan lang ito umuuwi sa mansyon simula ng mabawi nila ang kanilang mga ari-arian at makabangon mula sa pagkakalubog. Madalas ay sa guest house o kung hindi naman ay sa opisina nito ito nagpapalipas ng gabi. Wala ding kaalam alam ang matandang Kim kung bakit bigla na lamang nagbago ang dating masayahing si Jennie.

"Anak" tawag nya ng pansin rito, hindi naman sya nabigo ng mag-angat ito ng tingin sa gawi nya mula sa pagkakayuko.

"Yes Pa?"

"How are you?" out of nowhere na tanong ni Mr. Kim, matagal tagal na din nung huli nyang kinumusta si Jennie.

"Doing great" walang buhay nitong tugon saka pilit ang ngiting ipinukol sa kanyang ama.

"Why don't you take a break Jennie, I know the company is stressing you out this past few months" suhestyon ng matandang Kim kay Jennie, kabila kabila kasi ang mga projects at meetings nito nitong mga nakaraang buwan.

"No Papa I'm good don't worry about me" seryosong tugon nito, madiin ang pagtutol nya sa ideya ng kanyang ama.

"Jennie, anak masyado mong isinusubsob ang sarili mo sa pagtatrabaho sa kompanya. Nag-aalala na ako anak~"

"I'm fine Pa, ikaw ang dapat magrelax hindi ako" pagputol ni Jennie sa pinupunto ni Mr. Kim "I'm done, excuse me"

Wala ng nagawa pa ang matandang Kim kung hindi sundan na lamang ng tingin si Jennie habang papalabas ng kusina.

Seulgi's POV

"Seul let's drink tonight bring Jisoo with you" unang bungad sa akin ni Jennie matapos kong sagutin ang kanyang tawag, ano kayang nakain nito at bigla bigla na lamang nag-aaya.

"Saan?" excited kong tanong, ilang linggo na ding hindi ako nakakainom tuyong tuyo na ang lalamunan ko.

"Infinite Bar" maikli nitong sagot saka pinatay ang tawag. Langya talaga yung babae na yun ang lakas ng loob na babaan ako ng tawag.

"Jisoooooo" malakas kong tawag mula sa sala pagkatapos kong ibulsa ang cellphone ko.

Natawa ako ng bumulaga sa harap ko si Jisoo na nakatapis ng tuwalya at may dalang timba habang may tumutulo pang mga butil ng tubig sa kanyang basang buhok.

"Tang*na Seulgi nasaan ang sunog?" natatarantang tanong nito.

"Gago anong sunog? Tinawag lang kita may sunog na agad" tumatawa kong tugon sa kanya. Natigil ang pagtawa ko ng ibato nya sa gawi ko ang timbang hawak nya buti na lang at wala itong laman.

"Aray" daing ko ng tumama sa may hita ko ang timba ngunit hindi nya ko pinansin bagkos ay isang matalim na titig ang ipinukol nito sa akin.

"Hayop ka Seul" wika nito saka tumalikod.

"Magbihis ka nagyaya si Jennie hanap daw tayo ng chix" sigaw ko saka tumayo sa sofa para na din magbihis, inom na inom na ko.

"Gago mang chix ka mag-isa mo" sigaw ni Jisoo pabalik na ikinatawa ko na lamang habang papasok ng kwarto.

~

"So Miss CEO spill the bean" agad na wika ni Jisoo pagkaupong pagkaupo namin sa harap ni Jennie sa taas ng Infinite Bar, tanaw mula rito ang mga taong nagkakasiyahan sa dance floor.

"Nothing just want to relax" tugon nito sabay tungga sa bote ng beer na kanyang tanggan. Pinasadahan ko ng tingin si Jennie, pasimula ng gabing iwan sya ni Lisa ay nagbago na ang lahat sa kanya mula sa malambing na Jennie ay nagtransform ito sa masungit at seryosong Jennie. Yung gabi ding yun ang huling beses na nakita kong iniyakan ni Jennie si Lisa, kahit anong gawin kong pagmamasid at pag-obserba sa kanya mahirap na syang basahin.

The Waikapu Guest House (COMPLETED)Where stories live. Discover now