Chapter 6

1.2K 42 4
                                    

Lisa's POV

Katanghaliang tapat ay nandito si Mrs. Lee sa tapat ng pintuan namin, naka ngiti ito habang may bitbit na dalawang plastic.

"Lisa baby" sambit nito ng makita ako, kinilabutan ako sa tinuran nya pero wala din akong nagawa kundi ang salubungin sya at ngitian kahit labag sa loob. Hindi nya pa pwedeng malaman na nagpapanggap lang ako na gusto ko sya wala pa kaming pangtubos dito sa bahay.

"Anong ginagawa mo dito Cy..Cynthia?" naiilang kong tanong sa kanya.

"Ah ipagluluto kita ng pang tanghalian" naka ngiting saad nito saka itinaas ang dalawang plastic na kanyang bitbit. Natigilan ito habang nakatingin sa likuran ko kung saan naroroon si Jennie, pilit kasi nitong ginagamit ang telepono namin sa pag-asang makokontak na nya ang kanyang tatay.

"Sino yun?" naka ngusong tanong ni Mrs. Lee sa harap ko.

"Ahh si Jennie yun, kaibigan namin" sagot ko.

"Lisa" sambit ni Jennie pagkalapit nito sa kinatatayuan namin ni Mrs. Lee.

"Sino sya?" dugtong na tanong nito habang naka turo sa matanda.

"Ahh.." hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang sumagot si Mrs. Lee.

"Ako si Cynthia, girlfriend ni Lisa" nanlalaki ang aking mga mata habang nakatingin kay Jennie na agad natigilan sa sinabing iyon ni Mrs. Lee.

"Ak..ako naman si Jennie" nauutal utal nitong wika at nakipagkamay kay Mrs. Lee. Pansamantalang nagpaalam si Mrs. Lee para magluto sa kusina ngunit bago pa man ito umalis ay pinisil muna nito ang aking mga pisngi.

"So pumapatol ka na pala ngayon sa matanda?" seryosong tanong ni Jennie matapos naming maiwan na dalawa.

"Uy.. hindi ha, baliw kasi yun si Mrs. Lee kaya akala nya ay kasintahan nya ko. Wag mo na lang pansinin kakamatay din kasi ng asawa nya kaya hinahayaan ko na lang kawawa din naman kasi" pagsisinungaling ko, jusko po marami rami na akong kasalanan kay Mrs. Lee pinagmukha ko pa syang baliw sana lang ay mapatawad nya ko kapag nalaman nya tong lahat.

"Akala ko kasi matatanda na yung nagugustuhan mo ngayon" sabi pa nito bago ako iwan at dumiretsong muli sa sala para ipagpatuloy ang pagkontak sa kanyang Papa, napakunot ang aking noo parang may iba sa paraan ng kanyang pagsasalita. Ako lang ba o guni guni ko lang yun. Nagpunta ako sa kusina para uminom ng tubig, pagkarating ko doon ay naghuhugas si Mrs. Lee ng mga gulay.

"Baby gusto mo ng chicken soup o mas gusto mo ako?" naibuga ko ang tubig na nasa bibig ko ng marinig ko ang tinanong nya at ang muling pagtawag nya sa akin ng baby.

"Oh my god Lisa okay ka lang?" tarantang tanong nito saka kumuha ng tissue at pinunanasan ang damit kong nabasa.

"O..okay lang ako Cynthia hehe" alanganin kong tawa sa kanya.

"Mag-iingat ka kasi sa susunod" malambing nitong sabi sabay haplos sa isa kong pisngi, kinilabutan na naman ako isa isang nagtayuan ang aking mga balahibo.

"Teka may onion leaves ba kayo?" tanong nito sabay halungkat sa lalagyan namin dito sa kusina, kaagad akong umiling.

"Bili ka muna baby pangit kasi mag chicken soup ng walang onion leaves" pag-utos nito sa akin.

~

Habang wala si Lisa ay naiwan sina Jennie at Mrs. Lee sa guest house. Biglang tumunog ang cellphone ni Mrs. Lee kaya agad nyang kinuha ang earpods na nasa kanyang bag at sinalpak ito sa kanyang tenga para masagot ang tawag habang isinasaksak nya sa loob ng manok ang mga pangpalasa.

"Hello anak?" bungad nito sa lalaking kanyang kausap.

"Nandito ako sa bahay ni Lisa, ano may sakit ka?" tanong nito.

The Waikapu Guest House (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon