Chapter 31

1K 42 20
                                    

Jennie's POV

"Jennie talk to me" sigaw ni Lisa sa likuran ko, mas binilisan ko pa ang pagtakbo papalayo sa kanya. Nakalabas na kami ng resort sa kakatakbo, bumagal ang pagtakbo ko hanggang sa unti unti na kong tumigil dulot ng biglaang pagbuhos ng malakas na ulan nilinga ko ang aking mga mata nakarating na pala kami sa highway.

"Jennie let me explain" pagmamakaawa nito ng maabutan nya ko, parehas kaming naghahabol ng hininga. I finally face her, sa nakalipas na mga araw ngayon lang ako nagkalakas ng loob muling harapin ang nakaraang pilit kong tinatakbuhan.

"Fuck you Lisa" sigaw ko sa kanya sa gitna ng kalsada, isa isa ng nagsisilandasan ang mga butil ng luha sa aking mga pisngi na nagsisihalo sa buhos ng ulan "How dare you to do this to me? Ginawa kong bato ang puso ko, nagtayo ako ng isang malaking pader sa loob ng dalawang taon and now how could you dare to break it? Ang kapal ng mukha mong bumalik at magpakita pa sa akin matapos mo kong iwan at ngayon sasabihin mo gusto mo ulit ng second chance? Well fuck you Lisa, fuck you"

"Jen please hear me out" akmang aabutin nito ang kamay ko ngunit mabilis ko iyong iniwas "Mahal kita hanggang ngayon ikaw pa rin, ikaw lang" tugon nya, bakas sa tinig nito ang pagmamakaawa. Napangisi ako habang umiiyak.

"Nakakap*tang*na naman yang pagmamahal mo Lisa, nakakagago. Anong akala mo sa akin parang camera mo lang na konting adjust at punas lang sa lense okay na ulit pwede mo na ulit gamitin?"

"No hindi ganun Jennie" matigas nyang tutol sa sinabi ko.

"Then what? Explain to me why kasi sa pagkakatanda ko you told me that night na hindi mo na ako mahal ay mali hindi mo naman pala ako minahal. Hindi naman naging ako hindi ba? Naaawa ka lang sa sitwasyon ko kaya mo ko ginawang girlfriend diba?" may diin kong sambit sa harap nya, sobra sobrang galit ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi sya nakaimik para lang si Lisang natuod sa kinatatayuan nya ngayon.

"Bakit kailangan mo akong pahirapan? Hirap na hirap na ako Lisa" humihikbi kong saad, sobrang bigat ng loob ko sa mga oras na ito. I want to punch her just to ease the pain.

"So-sorry" may namumuong mga luha sa gilid ng kanyang mga mata na lalo pang nagpabigat sa dibdib ko.

"Sorry? Ganun na lang yun Lisa? Ha? Para sabihin ko sayo hindi na ako yung dating Jennie na nakilala mo, na isang sorry mo lang okay na ang lahat balik na ulit tayo sa dati. Na isang kanta mo lang makukuha mo na ako ulit?" nanggigigil at puno ng hinanakit kong wika.

"Believe me Jen hindi ko gustong iwan ka nung gabing yun"

"Then why?" malakas kong sigaw kasabay ng lalo pang paglakas ng buhos ng ulan "Why the hell you left?"

"Because I'm dying that night Jennie" sigaw nya pabalik na ikinabigla ko, hindi dahil sa pagsigaw nya kung hindi dahil sa mga salitang lumabas sa kanyang bibig mismo.

"Y-you what?" pag-uulit ko, gusto kong ulitin nya ulit baka mali lang yung una kong rinig.

"That night was the worst decision I've made, two years ago nalaman namin ni Irene na malala na ang sakit ko. We found out that I have a cancer at hindi sigurado kung makakasurvived pa ba ako o hindi na. Sorry kung hindi ko sinabi sayo, sorry kung sinaktan kita-" isang malakas na sampal ang pinadapo ko sa pisngi ni Lisa, nanlaki ang mga mata nya dahil sa gulat.

"Bakit mo nilihim?" I shout on top of my lungs "For f*ck sake Lisa why did you hide and run?" my heart broke again into many pieces.

Dahan dahan itong tumungo habang nakahawak sa kanyang pisngi na simampal ko "I don't want to see you suffer Jen that's why I need to make a choice and that is to break your heart. I'm sorry... I'm sorry" hirap na hirap nitong sambit na halos pabulong na sa sobrang hina, bakas sa kanyang tinig ang labis na sakit, unti unting nalusaw ang galit na nararamdaman ko.

"Show me your scars Lisa" I whispered infront of her.

Nagtataka itong nag-angat ng tingin nagtagpo ang aming mga mata "W-why?"

I hold her both hands and squeeze it lightly "I want to see how many times you needed me and I wasn't there" I whispered again "I want to know how many times you called my name while enduring the pain alone" tears rolling down on my face while looking at her beautiful eyes.

Marahan nyang inabot ang aking magkabilang pisngi saka pinunasan ang mga luha na nagsisipag-agos galing sa aking mga mata.

"It doesn't matter, the scars and pain they will healed as long as you're with me" nakangiti nyang sambit, nagsipatakan na din ang mga luha na sa tingin ko ay kanina pa nya pinipigilan.

"I miss you" mahina kong saad saka pinagdikit ang aming mga noo. Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Lisa habang humihikbi.

"Of course you miss me. I'm Lisa Manoban the amazing one" pagyayabang nito na ikinatawa ko din bago sya marahang hampasin. Ilang segundo din kaming nagtawanan habang nakatitig sa mga mata ng bawat isa.

She stop from laughing "I love you Jennie you're still the one" sambit nya na ikinangiti ko.

Mabilis nyang tinawid ang natitirang espasyo sa pagitan naming dalawa, napapikit ako ng mariin ng maglapat na ang aming mga labi sa gitna ng pagbuhos ng malakas na ulan.

In the middle of heavy rain my pain and heart break wash away.

The Waikapu Guest House (COMPLETED)Where stories live. Discover now