Chapter 10

1.2K 35 4
                                    

"Chaeng baka may alam ka pang ibang exta job na pwedeng pasukan ni Jennie?" bulong na tanong ni Lisa, nagbabakasakali ito na matulungan ni Chaeng si Jennie.

"Meron naman" mahinang sagot nito sa kanya, agad na nagliwanag ang mukha ni Lisa.

"Pwede ba dyan si Jennie?" pangungulit nyang muli, sandaling nag-isip si Chaeng habang ninanamnam ang iniinom nitong kape at nag-aalmusal.

"Pwedeng pwede" naka ngisi nitong tugon.

"Teka anong trabaho ba yan? Baka mapahamak dyan si Jennie ha? Hindi ba delikado yan? Hindi illegal?" sunod sunod na tanong ni Lisa kay Chaeng na ipinagtaka ng huli, sandali itong natigil sa panunuod ng t.v habang kumakain.

"Bakit ba alalang-alala ka? Akala ko ba wala kang pakialam kay Jennie kung makatanong ka para kang jowa ah. Ikaw ba ang tatay nya?" inis na turan nito dahil sa pagkakaantala ng kanyang pagkain.

"Sinabi ko bang nag-aalala ako? Tsaka kung mapapahamak ang babae na yun habang nasa poder natin sya sa tingin  mo ba hindi tayo sisisihin ng tatay nya" iwas na sagot ni Lisa.

"Oo na lang Lisa" pang-aasar ni Chaeng na lalong nagpasimangot kay Lisa.

"So ano na? Anong trabaho yan?" boryong tanong nitong muli, kumindat lang si Chaeng saka naka ngising sumagot.

"Secret basta ako ang bahala kay Jennie, trust me" wika nito sabay tapik sa balikat ni Lisa.

Jennie's POV

"Okay ka na ba?" tanong ni Chaeng pagkatapos nyang ilagay sa ulo ko yung ulo ang costume. Pinasuot nya ko ng costume ng oso para mag promote ng isang product, trademark ng company ang isang oso bilang logo ng mga sabon na ginagawa nila.

"Kailangan ba talaga magsuot ako ng ganito? Hindi ba pwedeng ganun na lang din isuot ko kagaya nila?" tanong ko sabay nguso sa mga babaeng kasama namin na naka suot ng maiikling palda at white crop top habang naka heels.

"Pasensya na ka Jennie yan lang kasi ang bakanteng posisyon na kailangan nila pero sige kung ayaw mo pwede naman tayong umatras, umuwi ka na lang" akmang kukunin nito ang suot ko sa ulo ngunit agad ko itong pinigilan.

"Hindi okay lang hehe keri ko naman siguro to" ngumiti ako ng alanganin sa kanya. Tumango naman ito saka ako ulit pinagmasdan sinusuri kung okay na ba ang ayos ko.

"Kung okay ka na pwede ka na siguro lumabas doon sa harap ng shop" sabi nito sabay sukbit sa akin ng isang basket na naglalaman ng mga sample items na ipapamigay ko sa labas.

Kabadong lumabas ako ng shop na iyon at tumayo sa harap ng kalsada saka huminga ng malalim. Okay Jennie kaya mo to hwaiting pagpapalakas ko sa loob ko ito ang unang trabaho na gagawin ko. Pinilit kong alalahanin ang tinuro ni Chaeng kanina bago ito umalis kailangan ko lang daw ipamigay ang mga sample tasaka ang flyers.

"Ma'am try nyo po ang bago naming sabon" sabi ko doon sa isang babae na dumaan sa harap ko ngunit hindi ako nito pinansin lumampas lamang ito at nagtuloy tuloy sa paglalakad, pang ilan na ba ang babaeng yun sa mga taong hinarang ko pang sampu na yata ngunit hanggang ngayon ay ni-isa sa hawak kong sample wala pang nababawas.

"Sir gusto mo bang magkajowa? Try mo sabon namin puputi ka na magkakajowa ka pa" naka ngiti kong sabi sa isang lalaki na naharang ko.

"Aba ang bruhang to baka gusto mong ipakain ko sayo yang sabon mo, mukha ba akong maitim? Ikaw gumamit nyan mukhang kailangan mo yan ang pangit mo" pagmamaldita nito sa harap ko. Aba't ako si Jennie Kim tinawag nyang pangit?

"Hoy mister hindi ako bruha at mas lalong hindi ako pangit" maldita ko ding sagot sa kanya, baklang uligbang to nagsasabi lang naman ako ng totoo kailangan nya naman talaga yung sabon namin.

The Waikapu Guest House (COMPLETED)Where stories live. Discover now