Chapter 35

955 28 3
                                    

Lisa's POV

Mabilis kong ini-off ang laptop ng maramdaman ko ang pagkirot sa may bandang tagiliran ko. Ilang shoot na lang ang kailangan naming gawin para ma-edit at mapagsama-sama ko na sa isang folder ang lahat ng photos ni Miss Yu.

"Fuck" mahina kong bulong habang napayuko sa ibabaw ng mesa dito sa loob ng kwarto namin ni Jennie.

"Love" kaagad akong umayos ng pagkakaupo ng bumukas ang pinto ng kwarto at iluwa noon si Jennie "we should go outside the shoot is about to start" malambing nitong wika. Isang matamis na ngiti ang iginawad ko sa kanya na parang wala akong iniindang sakit.

"Okay, sunod na ko" sagot ko sa kanya bago ibaling ang tingin ko sa aking camera na nasa ibabaw ng mesa.

"No, I'll wait for you"

Napakunoot ang aking noo "Why?" agad kong tanong.

"Because that's what people do when they are inlove.. They wait" tugon nya sabay kindat, napangiti na lang ako bilang tugon sabay sukbit ng camera sa leeg ko. Ramdam ko ang unti unting pamumula ng magkabila kong pisngi.

"Nice try Miss Kim" humalakhak lang ito saka inabot ang isa kong kamay at pinaglakip ang aming mga palad. Magkasabay kaming lumabas ng rest house habang palihim kong iniinda ang pagkirot sa aking tagiliran.

"Am I annoying?" out of nowhere na tanong ni Jennie habang naglalakad kami papalapit sa tent kung nasaan ang buong team.

"Yeah sometimes" tugon ko kasabay ng isang mahinang tawa.

"Lis"

"Hmmm?" napatigil sya sa paglalakad na naging dahilan ng pagkatigil ko.

"You know what I love?" naguguluhan akong umiling sa kanya.

"What?"

"You" maikli nyang tugon saka binigyan ako ng isang mabilis na halik sa aking labi. Kaagad akong natigilan at napatulala, unti unting lumakas ang pagkabog sa aking dibdib.

"Yahh Jennie Kimmmm" malakas kong sigaw ng makabawi ako sa pagkagulat, isang halakhak lamang ang itinugon ni Jennie sa akin habang tumatakbo patungo sa loob ng tent.

~

"Miss Yu look at my camera, feel the nature and smile" pag-uutos ko kay Esther. Mabilis naman nitong sinunod ang gusto kong mangyari, pumikit ito saka ngumiti habang nakabuka ang kanyang mga kamay na ani mo'y nilalasap nya ang sariwang hangin na tumatama sa kanyang makinis na balat.

"Lisa-shi" agaw pansin sa akin ni Esther, pansamantala kong itinigil ang pagkuha sa kanya ng mga larawan.

"Yes Miss Yu?"

"Are you and Miss Jennie.." nakita ko ang pagdadalawang isip sa mukha ni Esther.

"Uhuh? What is it Miss Yu?"

Esther breath first before she continue "Are you guys dating?"

"Yes" walang patumpik tumpik kong sagot "Why did you ask?"

"I saw you two last night.. here.. dancing" napasinghap ako sa kanyang naging tugon, sasagot pa sana ako ng may malamig na tinig ang sumingit sa aming usapan.

"Any problem with that Miss Yu?" katakot takot na tanong ni Jennie mula sa likuran ko, napalunok ako ng sunod sunod matapos kong humarap sa kanya. Kulimlim ang buong mukha nito, bakas ang pagkaseryoso habang nakataas ang isang kilay.

"N-nothing Miss Kim, I-I just asking" alanganing tugon ni Esther, bakas sa kanyang boses ang takot maging ako man ay takot din sa awra ni Jennie. Kung kanina ay napaka-sweet nito ngayon ay para na itong papatay base sa kanyang hitsura.

The Waikapu Guest House (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon