Chapter 13

1.1K 41 3
                                    

"Wala pa rin tayong tenant?" naka simangot na saad ni Jisoo habang nakatitig sa monitor ng computer, nakatumpok silang tatlo nina Seulgi at Lisa at nakatulala sa kawalan. Ilang buwan na din ang lumilipas ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin silang nagiging tenant na uupa sa mga kwarto sa guest house.

"Kulang tayo sa exposure" wika ni Lisa sabay buntunghininga. Hindi pa nila alam kung tagumpay bang maipapalabas sa t.v yung kinunang video ni Seulgi habang nagsi-swimming sa mga bloke ng yelo. Wala pang desisyon ang network kaugnay roon.

"What if mamigay tayo ng flyers or magsagawa tayo ng events" suhestyon ni Seulgi.

"Aba tumatalino ka na ah" pang-aasar ni Jisoo rito.

"Maganda nga yan" pagsang-ayon ni Lisa.

"Tapos magbigay tayo ng mga libreng autograph galing sa isang artista" nakangising wika ulit ni Jisoo.

"At sinong artista naman ang kukunin natin?" nagtatakang tanong ni Lisa.

"Syempre ako duhh bakit lalayo ka pa andito naman ako" sagot ni Jisoo saka naglabas ng isang ballpen at A4 bond paper.

"Gusto nyo ba ng sample autograph ko?" wika pa nito habang taas baba ang isang kilay. Nang hindi tumugon ang dalawa ay inumpisahan nito ang pagpirma sa bond paper.

"Kiiiiiiiiiiiiimmmmmmmmmm" mahabang saad ni Jisoo habang tumitirik tirik pa ang kanyang mga mata at pumipiyok piyok, sandali itong tumigil sa pagsusulat at huminga ng malalim "Jiiiiiiiiiiiiisssssssssssoooooooo" pagpapatuloy muli nito. Ngunit hindi pa man nya natatapos ang pagsusulat ay isang batok ang natanggap nya mula kay Lisa.

"Ulol, ilang minuto ba ang kailangan mo para matapos ang isang pirma na yan" reklamo ni Lisa "aalisan tayo ng mga tao kung ganyan ka kabagal, hindi magandang ideya" dugtong nito saka humalukipkip.

"Mag-isip na lang tayo ng iba pang paraan" saad muli ni Seulgi na tinanguan naman ng dalawa.

"Teka maiba tayo" basag ni Jisoo sa katahimikan, agad na ibinaling ng dalawa ang kanilang paningin sa kanya.

"Sa tingin nyo ba pwede ko ng ligawan si Jennie?" naka ngiting tanong nito.

"Bakit nga ba hindi sa pagkakaalam ko single naman si Jennie diba Lisa?" tanong ni Seulgi kay Lisa, napalunok ang huli saka nag-iwas ng tingin.

"O..oo sa pagkakaalam ko din" sagot nito habang nasa monitor ng computer ang tingin "saka kung doon ka sasaya bakit hindi mo gawin" dugtong pa nito kahit sa loob loob nya ay gusto nyang tumutol.

"Wala ka ba talagang nararamdaman para kay Jennie?" muling tanong ni Jisoo kay Lisa.

"Bak..bakit mo naman natanong?" nauutal na tanong ni Lisa pabalik.

"Meron o wala lang Lisa" himutok na reklamo ni Jisoo "at isa pa ayaw kong masaktan ka kung sakali mang sagutin ako ni Jennie" wika pa nito saka tinapik ang balikat ni Lisa. Sandaling natahimik si Lisa na para bang nag-iisip ng tamang isasagot.

"Wag kang mag-alala wala akong gusto sa babaeng yun, alam mo namang ayaw ko sa babaeng sakit sa ulo diba" napatango si Jisoo sa naging sagot ni Lisa.

"Hindi din naman kagandahan si Jennie" dugtong pa nito.

Nagulat ang tatlo ng may isang boses ang sumingit sa kanilang usapan.

"Oo nga naman Jisoo hindi nga naman ako kagandahan kaya bakit magkakagusto ang unggoy na yan sa isang tulad ko. Tama naman sya sakit din ako sa ulo diba Lisa" mataray na saad ni Jennie habang nanggagalaiti sa galit at nakahalukipkip.

"Oo tanggapin mo na ang katotohanang hindi ka kagandahan. At ako magkakagusto sayo ganda ka girl?" pang-aasar pa ni Lisa kay Jennie. Lalong namula ang mukha ng huli dahil sa sobrang galit.

The Waikapu Guest House (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon