Chapter 47

997 23 4
                                    

Ngayong araw ihahayag ng doctor na sumuri kay Lisa ang resulta ng mga lab test na isinagawa ng ospital. Halinhinan munang pinasadahan ng tingin ng doctor sina Irene at Jennie na matiyagang naghihintay mula pa kanina.

"Miss Irene, Miss Jennie" huminto muna ito sa pagsasalita saka huminga ng malalim bago muling nagpatuloy "to be honest the lump we found out last time is cancerous. The cancer cell is spreading in her body, nanganganib ang buhay ng pasyente" pagbibigay alam nito sa dalawa.

"Then, how about do some surgery. Pwede naman yun doc diba?" sagot ni Irene, nagmamakaawa ang mga mata nito habang mariing nakatingin sa doctor.

"No Miss Irene, I'm afraid to tell you but performing some operation can't work this time" naikuyom ni Jennie ang dalawa nyang kamao.

"So you're telling us to just stand here and watch Lisa slowly dying, is that so doc? That was bullshit do something before I make up my mind and bury you alive" galit na sigaw ni Jennie.

"Calm down Miss Kim, she can undergo chemotherapy but-" Jennie cut the doctor immediately.

"But what?" nakataas ang kilay na tanong nito.

"But were not sure if the patient will be healed"

~

Jennie's POV

"Welcome home" nakangiting bati ng lahat pagpasok namin ni Lisa sa loob ng guest house, ilang araw din ang itinigil ni Lisa sa loob ng ospital bago ito pinayagang umuwi. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng mapadako ang aking paningin sa pigura ng isang lalaking nakatayo sa tabi ni Irene.

"Mr. Bambam?" bati ko sa kanya ng buong pagtataka, hindi ko alam kung anong rason nya para maparito sa guest house.

"Miss Kim thank you for taking care of Lisa" nakangiti naman nitong saad na lalo ko pang ipinagtaka, ang alam ko isang beses lang silang nagkita ni Lisa.

"Hey Bammy don't be too formal" pagsaway naman ni Irene dito saka ginawaran ng isang mahinang siko sa bandang tagiliran. Unti unting kumunot ang aking noo, pakiramdam ko may koneksyon sina Lisa at Irene kay Bambam.

"Lis di mo pa sinasabi kay Jennie?" napaawang ang bibig ko saka nagbaling ng tingin kay Lisa na nagkakamot na ng batok.

"May dapat ba akong malaman?" tanong ko kay Lisa.

"A-ano kasi Jen, nakababatang ka-kapatid namin si Bambam" sagot nito saka binigyan ako ng isang ngiti "sorry Love plano ko naman talagang sabihin sayo kaso di lang ako makakuha ng tyempo"

Napabuga ako ng hangin "So tatay nyo si Mr. Marco?" tanong ko, sabay sabay namang tumango ang tatlo. Mahina akong tumawa, I guess maganda ang angkan ng mga Manoban kita naman sa hitsura ng tatlong anak. "Okay fine you are forgiven, next time wag mo ng uulitin"

~

Mabilis sumapit ang gabi, oras na para sa gamot ni Lisa. Umupo ako sa paharap sa kanya sa ibabaw ng kama saka ipinatong sa lamesa ang gamot na ituturok sa kanyang dextrose.

"Are you ready?" nakangiti kong tanong, napagkasunduan namin ni Irene na maging normal lang ang bawat galaw sa harap ni Lisa gaya lang ng dati.

"Always Love" tugon nito, kinuha ko ang syringe na naglalaman ng gamot saka iyon inilapat sa dextrose.

"Feeling better?" tanong kong muli sa kanya tumango naman ito saka tumingin sa akin, sa bawat tingin ni Lisa ani mo'y wala itong nararamdamang kahit anong sakit tila ipinapahiwatig ng kanyang mga mata na huwag kaming mag-alala.

"So much especially you're here with me" napangiti na naman ako, hindi ito pumapalya sa pagpapakilig kahit sa ganitong sitwasyon.

Marahan kong inabot ang kanyang pisngi "We got this Love" pabulong kong sambit saka ginawaran ng halik ang kanyang noo.

"Yeah we got this" tugon nito habang nakayakap ng mahigpit sa bewang ko.

~

Irene's POV

Kanina pa ako nakatitig kay Seulgi magkaharap kaming nakaupo sa sala, ilang minuto na din ang lumilipas simula ng ituon nya ang kanyang tingin sa hawak nyang cellphone. Nagulat ako ng pabagsak nyang ibaba sa coffee table ang kanyang telepono.

"Problema mo babe?" agad kong tanong, masama naman itong tumingin sa akin.

"Wag mong simulan Irene" may diin nitong tugon, seryoso ang mukha nya saka humalukipkip at sumandal sa upuan.

"Ito na seryoso na Seul anong problema?" pag-uulit kong muli.

"Pinapabalik nila ako ulit sa team para maglaro" walang sigla nyang tugon. Napataas ang isa kong kilay yun yung pangarap nya pero bakit parang hindi sya masaya.

"Bakit ganyan ang mukha mo diba dapat masaya ka?"

"Ayaw ko ng maglaro" sagot ni Seulgi saka yumuko.

Hindi ko maintindihan baka naman nabibigla lang ito kaya ganun na lang ang naging desisyon nya. Mabilis akong tumayo at lumapit sa kinauupuan nya.

"Baka naman nabibigla ka lang diba yan ang pangarap mo? Binibigyan ka na ulit ng chance Seul bibitawan mo na lang basta basta?" tumayo din ito mula sa pagkakaupo.

"Kung babalik ako sa paglalaro sino na ang mag-aalaga sayo" sagot nito saka ngumisi sa harap ko "Babe" dugtong pa nito bago lumakad papalayo. Naiwan ako sa sala, dahan dahan kong dinama ang dibdib ko sa sobrang bilis ng kabog.

Have a taste of your own medicine Irene sigaw ng isang bahagi ng utak ko.

~

Pakiramdam ko malapit na tong matapos

The Waikapu Guest House (COMPLETED)Where stories live. Discover now