Chapter 19

937 30 2
                                    

Jennie's POV

Ilang buwan ang matuling nagsilipas at sa loob ng mga buwan na yun ang daming nagbago, tago pa din ang relasyon namin ni Lisa. Wala pa din akong balita kay Papa, si Lisa unti unti na nyang napapatawad si Irene Unnie pero ang kapalit naman nito ay ang unti unting paglayo ni Lisa mula sa akin. Hindi na kami katulad ng dati, ang dating makulay at mainit naming relasyon ay unti unting nawawalan ng kulay at nanlalamig. Ni hindi ko alam kung anong problema, kung may nagawa ba akong mali wala akong kahit anong ideya.

Lalanghap sana ako ng sariwang hangin at magmumuni muni sa roof top ngayong gabi ngunit pagbukas ko ng pintuan ay kaagad bumungad sa akin ang pigura ni Lisa, natayo ito at nakatanaw sa malayo. Naglakad ako patungo sa likuran nya at doon tahimik na tumayo, pinagmasdan sya mula sa likuran ngunit kaagad nya kong nilingon na tila naramdaman na nya ang aking presensya.

"Hi" alanganin kong sambit sa harap nya.

"Anong ginagawa mo dito?" tugon nya ng nakakunot ang noo, napangiti ako ng mapakla hindi ko inakalang dadating kami sa ganito.

"Wala, magpapahangin, mag-iisip isip" tanging tango lang ang nakuha kong tugon kay Lisa saka ito mabilis na lumampas sa kinatatayuan ko at naglakad patungo sa gawi ng pinto.

"Lisa bakit? Bakit mo ko ginaganito?" tanong ko habang nakatingala sa langit, nakaramdaman ko ang pagtigil ni Lisa sa paglalakad "May nagawa ba akong mali? May pagkukulang ba ako?"

"Walang mali sayo Jennie" mahina nyang tugon, ang kaninang mga butil ng luha na namumuo sa gilid ng aking mga mata ay isa isa ng kumawala, nag-uunahan sila sa pagpatak. Nilingon ko si Lisa, ilang hakbang ang ginawa ko makapunta lang sa kanya.

"Then why? Explain to me why kasi hindi ko na alam Lisa, hirap na hirap na akong intindihin ka" humihikbi kong sambit, dahan dahang akong nadudurog sa loob.

"Nahihirapan ka na pala then let's end this sh*t" may diing wika nya habang nakatalikod. Mas lalo pang lumakas ang paghikbi ko sa narinig kong mga salita na binitawan ni Lisa.

"No Lisa" pagmamakaawa ko sa kanya saka mahigpit na niyakap sya mula sa likod "You promise me na hindi ka bibitaw, you promise me na tayo hanggang dulo"

Marahang inalis ni Lisa ang mga braso kong nakayakap sa kanya at saka walang emosyong humarap sa akin.

"Jennie sometimes promises are the sweetest lies" mahigpit akong napakapit sa laylayan ng damit ni Lisa.

"What do you need Lisa, do you need some space? What about a time to think? You know I can always give you that Lis kahit gaano pa katagal I can wait just please don't leave me" I beg infront of her, ang kaninang nadudurog kong puso ay tuluyan ng nabasag.

"I can't do this Jennie sorry"

"May iba na ba Lisa?" nanginginig kong tanong, yan yung tanong na matagal ko ng gustong ibato sa kanya. Dahan dahang umiling si Lisa habang blangko pa din ang ekspresyon sa kanyang mukha.

"Walang iba Jennie pero hindi na ikaw~ I mean hindi naman pala naging ikaw" tugon nya saka nag-iwas ng tingin.

"Why?" mahina kong tanong na halos pabulong na, for the second time I asked her why.

"I don't love you Jennie, I realized I never did" seryosong sambit ni Lisa "From the start I never love you siguro naawa lang ako sa sitwasyong kinalalagyan mo"

"Is this a prank Lisa? Tell me it's a prank right?"

"No Jen this is the reality" dahan dahan akong nanghina. Tila nauubusan ako ng hininga sa mga naririnig ko mula kay Lisa.

"Wag ka munang sumuko please, we can fix it" pagmamakaawa ko sa kanya habang patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha sa aking mga mata.

"We can't Jen, nahihirapan na kong magpanggap na mahal kita" umiiyak na din sa harap ko si Lisa "Can you please let me go, hate me Jennie and just...just forget me"

"You know I can't"

"Yes you can, nabuhay ka ng wala ako for how many years. Forget me and move on" galit na sigaw ni Lisa, sandali kaming nabalot ng katahimikan. Ako habang umiiyak at sya na mariin lang na nakatingin sa akin, ni hindi nya man lang pinunasan ang mga luha sa aking mga mata na dati nya namang ginagawa.

"Goodbye Jennie and I'm sorry" yun yung huli kong narinig mula sa kanya bago nya ko tuluyang iwan sa roof top. Nanghihinang napaupo ako sa sahig, napangiti ako ng alanganin ang sakit pala. Nung araw na ipinagtabuyan ako ni Kai at ng Mama nya hindi naman ganito kasakit.

"Jennie" nagulat ako ng may kamay na humawak sa isa kong balikat, agad ko itong nilingon at bumungad sa akin ang mukha ni Seulgi. Inalalayan nya ko sa pagtayo saka mahigpit na niyakap "Ibuhos mo lahat ng sakit"

"Seul" humihikbi kong saad sa balikat nya, hinayaan nya lang akong umiyak sa balikat nya.

Lisa's POV

"Sis sure ka ba sa ginagawa mo?" nag-aalalang tanong ni Irene sa tabi ko.

"Yeah" maikli kong sagot saka nagbaling ng tingin sa bintana ng eroplano. Tanaw ko mula rito ang ilang bahagi ng Korea.

Kanina gusto kong yakapin si Jennie, gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko sa kanya pero hindi pwede. Mahal ko si Jennie, gusto ko sya na ang taong makakasama ko sa habang buhay pero hindi ko hahayaang makulong sya sa relasyong meron kami, sa relasyong walang kasiguraduhan kong hanggang saan ang kayang itagal. Kung papatagalin ko pa baka lalong hindi nya kayanin kapag tuluyan na akong nawala. Ilang buwan na ang nakakalipas ng malaman ko ang totoo, may taning na ang buhay ko at hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya kong itagal.

"Sis nagtext pala si Papa kanina ipapasundo na nya lang tayo paglapag natin sa Don Mueang International Airport" napatango ako, wala akong choice kundi ang sumama kay Irene papuntang Bangkok, Thailand, patungo kung na saan si Papa.

Sa huling pagkakataon muli kong sinulyapan ang labas ng bintana, goodbye Seoul, goodbye Korea.

Goodbye Jennie.

The Waikapu Guest House (COMPLETED)Where stories live. Discover now