Chapter 3

1.5K 45 4
                                    

Lisa's POV

"Ano totoo ba yan?" sigaw ni Chaeng habang nag-almusal kaming apat. Sinabi ko sa kanila ang nangyari kagabi sa pagitan namin ni Mrs. Lee.

"Anong sinagot nya sayo?" natatawang tanong ni Jisoo, naiiyak ako kasalanan nya kung bakit ako napasok sa sitwasyon na to.

"Kasalanan mo to kung hindi dahil sa katangahan mo hindi sana ako mapipilitang yakapin si Mrs. Lee" reklamo ko sa harap nya, gusto kong manapak sa mga oras na to.

"Sorry na Lisa aksidente lang naman yun eh" paghingi nito ng tawad na ikinatango ko na lamang bilang tugon. Wala na din namang mangyayari kong magagalit pa ako tapos na eh nangyari na.

"So ano nga? Kayo na ba?" tanong ulit ni Jisoo saka sinundan ng malakas na tawa.

"Hindi pa manligaw muna daw ako" sagot ko na mas lalo pa nyang ikinatawa ng malakas maging sina Chaeng at Seulgi ay nakisaya rin.

"Mga walang hiya talaga kayo, ang saya saya nyo eh no" naka simangot kong wika habang tinitingnan sila isa-isa ng matalim na walang tigil sa pagtawa.

"Okay lang yan Lisa, mayaman naman si Mrs. Lee tsaka wala na yung asawa diba kapag na-chugi na yun siguradong sayo nun ipapamana ang lahat ng ari-arian nya, push mo yan support kita" naka ngising turan naman ni Seulgi, basta ganitong mga usapan nagkakaroon ng laman ang utak ng isang ito.

"Salamat ha sa suporta" sarkastiko kong tugon.

"Walang anuman Lisa basta bahaginan mo ko ng magiging yaman mo" akmang hahampasin ko na sana si Seulgi ng may sumigaw galing sa labas.

"Lisaaaa" agad akong natigilan, nandito na ang malaking pagkakamaling nagawa ko sa buong buhay ko.

"Magandang umaga sa inyo, magandang umaga Lisa" bati ni Mrs. Lee, ngumiti ako ng alanganin.

"Go..good morning Mrs. Lee" bati ko din sa kanya pabalik. Mabilis itong umupo sa katabi kong upuan.

"Ilang beses ko bang uulitin na Cynthia na lang ang itawag mo sa akin wag na Mrs. Lee" naka ngiti nitong saad.

"Sige Cy..Cynthia hehe" pilit ang ngiti ko sa harap nya, jusko kailan ba ito matatapos.

"Ang cute cute mo talaga" sabi nito sabay kurot sa magkabila kong pisngi habang naka ngiti na parang kinikilig. Napasulyap ako sa kinaroroonan ng tatlo gusto kong batukan ang mga ito paano ba naman kasi tuwang tuwa sila sa nangyayari sa akin ngayon, nagpipigil ang mga ito ng tawa habang kumakain. Pinapanalangin ko na sana ay mabulunan silang tatlo mga bwisit.

"Ano palang sadya nyo Mrs.. este Cynthia pala?" takang tanong ko, dapat sigurong sanayin ko na ang sarili ko sa pagtawag sa kanya ng Cynthia. Tang*na mukhang nanay ko na to si Mrs. Lee, ilang taon na nga to? 48 putek malapit ng mag 50.

"Idadaan ko lang sayo tong niluto kong sinigang na hipon, pinaghirapan ko yang lutuin para sayo" naka ngiting sambit nito saka inilapag sa harap ko ang isang tupperware.

"Sa.. salamat" maikli kong tugon na syang ikinapula ng magkabila nitong pisngi.

Nakahinga ako ng maluwag ng magpaalam na itong umalis hay sa wakas umalis na ang matandang hukluban.

"Lisa galawin mo na ang niluto sayo ng sweetheart mo" naka ngising wika ni Jisoo pagkaalis na pagkaalis ni Mrs. Lee.

"Masamang paghintayin ang grasya" pagsegunda naman ni Chaeng.

"Mga bwisit kayo na lang ang kumain nyan baka may gayuma pa yan" naka simangot kong tugon saka mabilis na tumayo, nawalan na ko ng ganang kumain mabuti pa maghanap na lang ako ng sideline kikita pa ako ng pera kaysa mabulok ako dito sa bahay kasama ang mga ungas na to.

The Waikapu Guest House (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang