Chapter 20

924 29 0
                                    

Irene's POV

"Yes Pa I already talk to our client and they said yes to our proposal" pagkausap ko kay Papa habang papasok sa mansyon nya dito sa Thailand. Mayaman si Papa, may magandang bahay, ilang sasakyan at mga negosyo.

"Well Bambam was there so no need to worry he know what to do trust him, I will hang up na bye" hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Papa mabilis kong pinatay ang tawag, napabuga ako ng hangin habang nakasabunot sa aking buhok. Hanggang ngayon ay wala pa rin syang tiwala sa sarili nyang mga anak. Bambam was our younger brother sa stepmother namin na si Tita Cindy, one year lang ang tanda ni Lisa sa kanya speaking of Lisa kaagad kong inakyat ang kwarto nya para kamustahin ang kanyang lagay.

"Sis" mahina kong tawag sa pangalan nya sapat lamang para kanyang marinig ngunit ilang katok pa ang aking ginawa ay wala pa ring nagbubukas sa pintuan kaya wala na akong ibang choice kundi pasukin sya sa loob. Unti unting kumabog ng malakas ang dibdib ko sa sobrang kaba ng marinig ko ang boses nya sa loob ng banyo dali dali akong nagtungo roon at tama nga ang hinala ko.

"Sissss" paghagod ko sa kanyang likod habang nakayuko ito sa harap ng toilet bowl at sumusuka. Matapos sumuka ni Lisa ay mabilis akong lumabas ng banyo para kumuha ng tubig.

"I...irene pagod na kong lumaban" naghihinang sambit nito habang malungkot na naka ngiti. Sandali kong pinagmasdan ang kapatid ko, namumutla ang mga labi nito, ang dating makulay na mga mata ngayon ay wala ng buhay at malamlam, pumapayat na din ito.

"Irene I think hindi ko na kaya" bulong ni Lisa ngunit klaro sa pandinig ko. Umiiyak akong tumingin sa kanyang mga mata, mas doble ang sakit na nararamdaman ko kung pwede ko lang akuin lahat ng sakit na dinaranas nya ngayon hindi ako magdadalawang isip she don't deserve this.

"No Lis, lalaban tayo diba? Andito lang si ate sa tabi mo, gagawin ko ang lahat" humihikbi kong wika, isa isa na ding magsitulo ang kanyang mga luha "Diba sabi ko sayo I will be a better sister this time, gawin mo akong sandalan Lis kung pagod ka na magpapahinga lang tayo ha pero hindi tayo susuko, hindi tayo hihinto hanggang sa gumaling ka"

Marahan kong kinabig si Lisa at niyakap ng mahigpit.

"Konting tiis na lang Lis, alam ko hinihintay ka pa rin nya kaya wag kang susuko"

~After 2 years~

Jisoo's POV

"Wazzup, wazzup Miss CEO" masaya kong bungad kay Jennie pagpasok ko sa opisina nya, sa nakalipas na dalawang taon napakaraming nagbago. Nakabangon muli ang kompanya nina Jennie mas lalo pa itong lumago dahil sa magandang pamamalakad nya ngunit kasabay ng pag-angat ng kompanya ay ang unti-unting pagbabago ni Jennie naging masungit ito at inuubos ang oras sa trabaho. Hanggang ngayon ay wala pa rin kaming balita kina Irene at Lisa naglaho ang mga ito na parang bula.

"Anong ginagawa mo rito?" seryoso nyang tanong habang nakatuon ang kanyang atensyon sa harap ng kanyang laptop.

"Hindi mo ba ako ico-congratulate Miss CEO" tugon ko sabay upo sa harap nya, ang layo ng sagot ko sa tinanong nya.

"And why would I?" mataray nitong tanong saka isinara ang kanyang laptop at mariing tumingin sa akin.

"Huh, sucess yung first screening ng movie namin for today so let's celebrate. What do you think?" nakangisi kong tugon sa kanya.

"My answer is a big NO" may diin nyang sagot, napakamot ako sa kilay sa loob ng dalawang taon lagi na lang kaming tinatanggihan ng babaeng ito sa tuwing magyayaya kami ni Seulgi.

"Jennie hanggang kailan mo paparusahan ang sarili mo?" seryosong kong tanong na ikinataas ng isa nyang kilay.

"And who told you na pinaparusahan ko ang sarili ko? What for?" matigas nyang tugon, napabuga ako ng hangin all this time itinatanggi nya pa rin kahit halatang halata na.

"For letting her go" mahina kong tugon.

"It's her choice not mine.." hindi ko pinatapos ang kanyang sasabihin ng bigla akong nagsalita.

"Yeah it's her f*cking choice Jennie ni hindi nga natin alam yung rason nya kung bakit sya umalis so don't blame yourself. Alam ko ang tinatakbo ng isip mo, na hanggang ngayon a part of you ay iniisip na hindi ka naging sapat kaya ka nya iniwan" may diin kong wika sa harap nya, alam ko ang namagitan sa kanila ni Lisa kaya hindi ko na sinubukan pang ituloy ang nararamdaman ko para sa kanya. I know kahit wala na si Lisa sya pa din ang nasa puso ni Jennie "Sometimes you should choose to be happy Jen"

"Pagtatalunan na naman ba natin to Jisoo? Look I already moved on so please stop this none sense topic" aatake pa sana ako ng biglang may kumatok sa pinto ng opisina ni Jennie.

"Come in" malakas na sigaw ni Jennie, naka ngiti namang pumasok sa loob si Chaeng. Simula ng makabangon ang kompanya nila at sya na ang humawak kinuha nya si Chaeng na secretary nya.

"Boss" bungad ni Chaeng sa harap ni Jennie, nakita ko kung paano umikot ang mga mata ni Jennie.

"Chae, Jennie na nga lang diba kapag tayo tayo lang ang magkakaharap"

"Sorry" tugon ni Chaeng saka napakamot sa kilay.

"So what's the problem?" seryosong tanong ni Jennie, buti na lang at hindi ko tinanggap ang alok nyang magtrabaho din sa kompanyang ito kung hindi araw araw kong matitikman kung paano taray tarayan at malditahan ng isang Jennie Kim.

"Ah.. Jen pwede ba kong mag under time? Kung pwede lang naman susunduin kasi ako ni Chanyeol mamaya~ alam mo na girlfriend duty" alanganin nitong paalam Chaeng and Chanyeol end up together for almost 1 year na mahigit, napaawang ang bibig ko ng walang alinlangang tumango si Jennie bilang tugon.

"Okay, enjoy"

"What? Seryoso ka Jen papayagan mo si Chaeng na mag under time just to see her boyfriend? Look it was just 4 pm~" hindi ko na natuloy ang pagsesermon ko because Jennie cut me off immediately.

"Let her, Chaeng is so hard working she deserve it anyway" walang kaabog abog na tugon ni Jennie.

"Thank you Jen hulog ka talaga ng langit" masaya nitong saad sa harap ni Jennie saka bumaling sa akin at parang bata na inilabas ang kanyang dila na para bang nang-aasar "Bye kita na lang tayo sa bahay"

"Uy Chaeng 9 pm ang curefew kapag di ka umabot sa labas ka matutulog" pagbabanta ko sa kanya ngunit tinawanan lang ako nito saka nagmamadaling umalis.

"See that she ignore me because of that Chanyeol" paghihimutok ko sa harap ni Jennie.

"Bagay lang sayo yan napakabagal mo kasi yan tuloy nakuha na ng iba"

"Pinagsasasabi mo?" tugon ko saka humalukipkip.

"Figure it out Kim Jisoo hindi ka na bata para maglaro pa ng tagu-taguan" huling wika nito saka tumayo mula sa pagkaka upo at iniwan din ako sa loob ng opisina nya.

Naiiling naman na sumunod ako sa kanya papalabas, ako may itinatago? Ano naman kaya yun?

The Waikapu Guest House (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon