Chapter 12

1.2K 37 9
                                    

Jennie's POV

It's already 1 am but I'm still awake, I can't sleep. Busy ako mag scroll ng mga social media accounts ko habang nagpapa-antok ng may isang mensahe akong natanggap na umagaw sa aking atensyon. Naka ngiti kong binuksan ang mensahe ng makita ko kung kanino galing iyon.

"Miss Kim what the heck are you doing? It's already 1 am and you're not yet sleeping 😑" basa ko sa mensahe na galing kay Lisa. Mabilis akong tumipa para mag reply.

"I'm thinking about my baby 😍" naka ngiti kong reply sa kanya, ilang segundo pa ang lumipas isang mensahe na naman ang natanggap ko mula sa kanya.

"I love you more than all the stars in the sky my baby" basa ko na naman sa reply nya para kaming mga baliw hagdan lang ang pagitan namin pero akala mo ilang milya ang layo namin sa isa't isa kung makapagpalitan ng mensahe.

"Aww, why are you so sweet my Manoban?"

"I don't know, all I know is that I love you and that's it" bahagya kong ibinaba ang cellphone ko at isinubsob ko ang buong mukha ko sa unan saka doon nagtitili na parang baliw. As much as gusto kong sumigaw at magtitili ng malakas ay hindi pwede nasa kabilang kwarto lang si Chaeng.

"I'm hungry" yun lang ang tanging itinugon ko sa kanya. Sandali pa akong nag isip saka mabilis na tumipa ulit.

"Date tayo, you and me midnight talk. Game?" dugtong ko pa bago ulit i-send sa kanya ang mensahe. Hindi naman ako nabigo mabilis pa sa alas kwatro na pumayag si Lisa kaya dahan dahan akong naglakad palabas ng kwarto hindi na din ako nag abala pang magpalit ng damit pantulog kasi malamang sa malamang sa 7-eleven ang bagsak naming dalawa. Paglabas ko ng kwarto ay nabungaran ko si Lisa sa baba ng hagdan at matiyagang naghihintay. Dahan dahan akong bumaba at nagtungo sa kanya.

"I miss you" bulong nyang sabi na ikinatawa ko ng mahina. Hindi kami pwedeng makalikha ng kahit anong ingay baka may magising at mahuli kaming dalawa.

"Ilang oras pa lang tayong naghihiwalay ah" puna ko sabay hatak sa kanya papalabas ng bahay. Nang tuluyan na kaming makalabas ay agad kong hinarap si Lisa.

"I miss you too" tugon ko sa kanya na ikina ngiti nya ng malawak. Marahan nyang inabot ang isa kong kamay at pinaglakip iyon habang sabay kaming naglalakad ng may malawak na ngiti papunta sa kanto kung saan matatagpuan ang 7-eleven.

"What do you want to eat?" tanong nya pagkapasok namin sa convenient store, hindi pa rin nito binibitawan ang pagkakahawak nya sa kamay ko. Mariin kong iginala ang aking paningin sa loob ng store para maghanap ng pwedeng kainin, ang totoo talaga nyan hindi ako nagugutom gusto ko lang talagang makasama si Lisa.

"A cup of coffee will do" sagot ko sa kanya na ikinanuot ng noo nito.

"Kape lang? Akala ko ba gutom ka?" hindi makapaniwalang tanong nito.

"Oo gutom ako"

"Gutom ako sa presensya mo" natatawang kong tugon sa kanya, ang naka kunot nyang noo ay unti-unting naglaho saka marahang namula ang kanyang magkabilang pisngi.

"Namumula ka" pagpuna ko sa pisngi nya saka tumawa ng malakas buti na lang at walang tao dito bukod sa cashier at sa aming dalawa. Naiiling na iniwan nya ko saka nagtungo sa coffee machine.

~

"Ang ganda ng langit no" wika ko habang naka upo kami rito sa upuang bato malapit sa may guest house tanaw mula rito ang dagat. Nakatingala ako sa langit habang hawak ang kapeng binili ni Lisa mula sa 7-eleven.

"Oo... sobra" rinig kong sagot ni Lisa sa tabi ko, binaling ko sa kanya ang aking paningin at nakitang nakatitig ito sa akin.

"Loko yung langit ang tinutukoy ko hindi yung mukha ko" nakasimagot kong saad.

The Waikapu Guest House (COMPLETED)Where stories live. Discover now