Chapter 14

1K 42 5
                                    

Jennie's POV

"Aalis na ko" masaya kong paalam sa mga taong nasa sala. Isa isa silang nagsitinginan sa gawi ko, si Seulgi habang nagsasapatos, sina Chaeng at Jisoo na nagkakape at si Lisa na walang reaksyon mariin lamang itong nakatingin sa akin.

"Hwaiting Jennie" napangiti ako ng itaas nina Chaeng at Seulgi ang kanilang mga kamao habang pinapalakas ang loob ko. Hindi na kasi ako dishwasher sa kainan napromote na ko bilang waitress.

"Ihatid na kita?" alok ni Jisoo ngunit kaagad ko iyong tinanggihan.

"Naku wag na Jisoo, salamat na lang" naka ngiti kong sambit, hinihintay ko si Lisa kung may sasabihin ba ito ngunit wala akong nakuhang kahit ano. Lalabas na sana ako ng pinto ng tawagin ako ni Seulgi.

"Jennie" agad akong lumingon.

"Hmmmm"

"Mag-iingat ka daw sabi ni Lisa" pang-aasar nito, nakatanggap naman ito ng isang matalim na titig galing kay Lisa. Aba mukhang wala talagang balak ang unggoy na to na magpaalam sa akin, ni kahit gumawa man lang ng paraan para ihatid ako sa sakayan wala nganga.

"Pakisabi sa kanya salamat na lang kamo hindi ko kailangan yan kaya ko ang sarili ko" naiirita kong wika sabay talikod. Bahala ka dyan, wala ka na namang pakialam sa akin.

Mabigat ang loob kong naghintay ng bus at sumakay patungo sa restaurant. Pagpasok ko ay kaagad akong binati ni Mino na ikinawala ng masama kong awra.

"Narinig mo ba may bago daw empleyado si Boss" bulong ni Mino habang nag-aayos kami ng mga decoration sa ibabaw ng table.

"Oh talaga? Babae ba daw o lalaki?" pang-iintriga ko sa kanya.

"Ayon sa bulong bulungan na masagap ko babae daw" may pagka-chismoso din pala ang isang to.

"Mabuti madadagdagan tayo" naka ngiti kong saad, sana lang ay makasundo ko ang bagong empleyado.

Makalipas ng ilang minuto ay dumating na ang matandang babae na boss namin, naka ngiti ito ng malapad na ani mo'y nanalo sa lotto. Maganda siguro ang gising ng matandang to ani ko sa loob loob ko. Pinagsama sama nya kami sa isang sulok, yung dalawang chef, kami ni Mino at yung babaeng pumalit sa akin bilang dishwasher.

"Gusto ko sanang batiin kayo for your hardwork guys" panimula nito na ikipinalakpak naming lima.

"So ayun na nga, gusto ko din sanang ipakilala sa inyo ang pinakabago nating makakasama" naka ngiti nitong sabi saka tumingin sa labas, may pinapapasok itong tao. Grabe special treatment, sino ba kasi yan. Napanganga ako ng makita ko kung sino yung taong tinutukoy ng boss namin.

"Lisa?" naka ngisi itong tumingin sa akin habang may sukbit na gitara.

"Surprise" ani nito sabay tawa ng mahina.

"This is Lisa pamangkin ko, mula ngayon sya na ang tutugtog dito sa restaurant natin" mas lalo pa akong napanganga, kaya pala kahit anong gawin kong pagbabasag at kapalpakan dito ay hindi pa rin ako sinisesante ng matanda.

Iniwan kami ng matanda habang isa isa silang nagpakilala kay Lisa hanggang dumating na kay Mino, matalim ang tingin ni Lisa sa lalaki kaya mabilis ko syang siniko at pinandilatan ng mga mata.

"Mino nga pala" saad ni Mino saka inilahad ang kanyang kamay tinanggap naman iyon ni Lisa.

"Lisa" maikli nitong sagot, seryoso ang mukha nito habang nakatingin kay Mino. Napansin ko ang pag ngiwi ni Mino at ang paghigpit ng hawak ni Lisa sa kamay ng huli, mabilis kong hinatak si Lisa papalabas.

"Ano yun?" mahina kong tanong na halos pasigaw.

"Anong ano yun?" patay malisyang tanong nito na lalong ikinainit ng ulo ko.

The Waikapu Guest House (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon