2; The Invitation

5.6K 110 10
                                    


Pagkatapos ng shoot pumasok ako sa dressing room ko para magpalit ng damit. Nagulat pa ako ng makita ko si Logan sa loob at pinapakialaman ang mga make-up ko.

"What are you doing here?" tanong ko sa lalaking nakatalikod sa gawi ko. Baka may makakita sa kaniya dito at ma-issue kami.

"Where did you go last night?" tanong niya na ikinagulat ko.

"Sa pad ako ni Elaine natulog kagabi." I lied. Sa Quarters ako natulog kagabi.

"Why? Pumunta ka ba sa condo ko kagabi?" tanong ko at sumandal sa malaking salamin.

"Yes."

Nagulat ako. Bakit hindi siya tumawag sa'kin? Eh 'di sana nakauwi ako kung alam ko lang na nasa condo ko siya. Lumapit ako sa kaniya matapos kong sulyapan ang pinto ko. I trace his broad shoulder and smell his scent.

Ang bango.

"Pwede ka naman pumunta ulit mamaya. I'll cancel my plan for tonight." nang-aakit na sabi ko. I was about to kissed him on his cheeks ng bumukas ang pinto. I immediately step backward and looked at the other direction.

"I'm sorry, hindi ko na uulitin na malate ulit, boss." sabi ko at bahagyang sinulyapan ang taong pumasok.

"Excuse me, Sir." Yumuko si Jackie at pumunta sa gawi ko. "Tayo na ang next sa photoshoot. Pinabibigay ni Sam." Binigay niya ang susuotin ko at nagtatakang tumingin kay Logan. Mukhang nakaramdam naman ang lalaki dahil agad itong tumayo at tumingin sa akin.

"Don't be late again, Ms. Alvarez or else.." May dumaan na kung ano sa mata niya.

"Yes, boss." blankong sagot ko natinanguan niya lang.

"Uy, bestie! Ano 'yon ha? Sinermunan ka na naman ng boss na'tin?" Hinampas ng bakla ang braso ko at umirap sa'kin.

"Bakit ba kasi ang layo ng inuuwian mo kaya ka tuloy nalelate, eh." sabi pa niya.

Napangisi lang ako. Mas okay pa nga 'pag nalelate ako dahil napapansin niya ako.

"Sige na, teh! Magbihis ka na."

Iniwan na ako ng bakla kaya nagsimula na akong magbihis. Pumasok naman ang make-up artist ko at inayusan ako.

-

"Hey, hindi ka ba sasama sa kanila?" tanong ni Gina na tinutukoy sila Maia na pupunta sa bar.

Umiling ako. "No. Pass muna ako." sabi ko at kinuha ang gamit ko. Uuwi na ako baka nandun na siya.

Pagdating ko sa condo nilipad lahat ang plano ko kanina nang makitang walang Logan na naghihintay sa loob. Tamad akong sumalampak sa couch at kinuha ang phone ko.

Wala pa din tawag o text galing sa kaniya. Dati rati tinatawagan niya ako sa ganitong oras o kaya nilalmbing niya ako sa tuwing nandito siya.

What happen now, Logan? Wala naman akong nagawang mali o hindi niya nagustuhan. Sinusunod ko naman ang mga rules ng M.O., wala akong nilalabag ni isa.

Sa sobrang inis ko nagbihis ako ng ibang dress at kinuha ang susi ng kotse ko. Mabubulok lang ako sa kahihintay sa wala.

Bunungad sa akin ang maraming tao sa dancefloor. Hinanap ng mata ko sila Kim at saktong nagtama ang mata namin. Kinawayan niya ako at pinalapit sa kanila.

"Akala ko pass ka muna? Anyare?" sigaw niya.

Umupo ako sa couch at kumuha ng baso. Sinalinan naman ni Tanya ng vodka ang hawak ko.

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon