8; Hurtful Truth

3.8K 82 2
                                    

Tanya reported to me that Lianne is now depressed. Hindi tinantanan ng mga media si Lianne na kahit sa mismong apartment nito hindi siya pinatahimik ng mga camera.

I've been calling her since last two days ago when we last see each other. Kahit sila Tanya at Kim ay nag-aalala na din.

Nabulabog ang tahimik na sala nang tumatakbong lumapit si Gina sa amin. Hawak nito ang kaniyang tablet habang pinapakita samin ang laman ng balita ngayon.

"Lianne's committed suicide."

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Kinuha ko ang hawak niyang tablet at kinompirma ang article na nakasulat. May naka-attached na picture sa tabi ng article.

Nabitawan ko ang tablet at napaupo sa sahig. Nakarinig ako ng malakas na iyak sa tabi ko. Naging blanko ang isip ko ng ilang segundo.

Bakit humantong sa ganito? Oh my God. Bakit, Lianne?

Kahit masama ang loob ng pamilya ni Lianne ay binigyan pa rin siya ng magandang burol sa bahay ng mga ito. Akmang bubuksan ko na ang pinto nang may pumigil sa'kin. Mas lalo akong napaiyak.


"Gu-gusto kong lumabas.." sabi ko habang hawak ang naninikip na dibdib. Hindi na ako makahinga ng maayos sa sobrang sakit.

Lianne is a good friend. Kahit hindi kami magkadugo, I treated her like my sister.

"Hindi ka pwedeng lumabas, Marie. Hindi tayo pwedeng magpakita sa kanila."

Nilingon ko si Tanya. "Wala tayong ginawa, Tanya. Wala man lang t-tayong ginawa para pigilan siya."


"Walang may alam na gagawin niya 'yon, Marie. Hindi na'tin alam--"

"Kung sana.. sana pinayagan niyo ako na samahan siya hindi sana mangyayari 'to." Puro iyak ng mga kasama ko sa loob ng van lang ang tanging maririnig.

"Kung sana may isang tao lang na nasa tabi niya walang mangyayaring ganito. Eh 'di sana buhay pa si Lianne. Sana kasama na'tin siya ngayon pati ang baby niya."

Ang baby niya.. Poor little angel.

"Yan ang hirap sa inyo. Sarili niyo lang ang iniisip niyo. Hindi niyo naisip na kailangan ni Lianne ngayon ng kasama at masasandalan. Mas inisip niyo pa 'yung takot na mabatikos kayo ng iba kaysa damayan 'yung isa."

"Nag-alala din kami, Marie--"

"Then, why didn't you make a move to help her? Eh 'di sana napigilan na'tin siya!"

"Ano ba, Marie? Paano tayo gagawa ng paraan kung si Lianne na mismo ang pumutol sa konesyon na'tin sa kaniya?"

Natigilan ako. "W-what?"


"I'm sorry, nakiusap kasi siya. Nakiusap si Lianne na huwag sabihin sa inyo. Bago pa siya mabuking na kabit nagsabi na siya sa Supervisor na'tin na aalis na siya at magpapakalayo. Gusto na niya ng tahimik na buhay."

Hinawakan ko si Tanya sa magkabilang braso nito at ilang beses na niyugyog dahil sa galit.

"Bakit hindi mo sinabi?! Bakit ngayon mo lang sinabi?"

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon