18; Memories to keep

2.8K 76 10
                                    

“Memory is the basis of every journey.”
–Stephen King, Dreamcatcher.


Warning: Rated SPG. Read at your own risk.

Nagising ako sa mumunting halik na binibigay ni Logan. I open my eyes just to see the handsome face of him.

He smirked.

Hindi yata uso sa kaniya ang ngumiti.

"Morning sleepyhead."

I smile at him bago kumawit sa kaniyang leeg. "Morning." I yawn.

Anong oras na kaming nakauwi kagabi galing sa Daku Island. We stay awake last night just to watch the stars in the sky. Hanggang ngayon naaalala ko pa rin ang pinag-usapan namin kagabi.

Staring above, I can't help not to smile. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang kasama ko siya habang pinagmamasdan ang kadiliman ng langit. Rinig na rinig mula sa pwesto namin ang malakas na alon ng beach sa 'di kalayuan.

"Logan," I looked at him. "If you could turn back the time, ano 'yong gusto mong balikan at baguhin na pagkakamali na nagawa mo sa nakaraan?"

Napakagat ako ng labi. "Uhm, nevermind. Kalimutan mo na 'yung sinabi ko." Pagbawi ko. I know he won't answer that. 

"Hmm.." He stroke my hair and stare back at me. He is sitting on the sand while me, making his lap a pillow. "If I could turn back the time, I would like to go back to the day when we first met."

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Shit! Kalma, self, 'wag pahalata na kinikilig ka.

"Why? I mean, can you tell me bakit 'yan ang naisip mong balikan sa nakaraan?" Wala naman masamang tanungin siya 'di ba? Ano ba! Kinikilig ako.

He playfully smirk at me. "Secret." he said and tap my nose.

Hindi ko maiwasan na hampasin siya sa dibdib niya.

"Ano nga? Because?" Hindi mapoknat ang ngiti sa labi ko. Baka isipin na niya kinikilig ako.

"You asked me one question. That's enough, no more following question for you, lady."

Napalabi ako. "Ang daya mo!" He just chuckle and kiss me on my lips.

"No, you are, baby. Isang tanong, isang sagot." dugtong pa niya. Kinawit ko na lang ang braso ko sa kaniya at hinalikan siya.

Kung ano man ang dahilan niya bakit 'yung unang pagkikita namin ang gusto niyang balikan, walang makakapigil sa akin na hindi kiligin. Pero curious ako, bakit nga ba 'yon ang naisip niya? Ano ang gusto niyang baguhin sa unang pagkikita naming dalawa?

"Breakfast in bed." He put the breakfast meal on the bedside table and sit on the edge of the bed.

"Kumain ka na?" tanong ko dahil pang-isahan lang ang nakahanda.

"Hmm not yet, I'm waiting for you to wake up."

Napatingin ako sa kaniya. "Bakit kaunti lang 'tong nasa tray?" Tinuro ko pa ang tray sa ibabaw ng bedside table.

"That's only for you, baby."

Eh?

"Eh, anong kakainin mo?" tanong ko na nakakunot ang noo.

Dahan-dahan siyang gumapang papunta sa akin at nakangising tinignan ako sa mata.

"Ikaw."

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon