19; Assumption

2.6K 70 2
                                    

Bukas ay 50th Anniversary ng All's Magazine. All employees are invited. May fashion show na magaganap at nabalitaan ko, ang mga kalahok ay mula sa iba't-ibang local designers dito sa Pilipinas.

Nag-meeting kami kanina because of the said event. The event was going to happen at the VCR Hotel. May mga game show din and anyone can join, hindi lang mga employee ng All's Magazine. Iba't-ibang mga bigatin na clients at designers from international din ang bisita kaya ngayon pa lang busy na lahat ng mga staffs ng Hotel.

We are in VCR Hotel right now because of the rehearsals. We, models of All's Magazine are required to be here today dahil bukas lahat kami rarampa wearing our best dress made by different designers.

"I'm expecting a good feedback for tomorrow's show kung hindi malalagot kayo sa'kin. Ayusin ninyo ang trabaho niyo, ha!" Pinanlakihan kami ng mata ni Ms. Minchin, isa sa mga staff ni Logan na nagha-handle ng mga model.

Sabay-sabay sumagot ang mga kasama ko. 75 models ang narito ngayon kasama na ang mga baguhan pa lamang. Sinabi na sa amin kung anong gagawin namin bukas. At ngayon na tapos na ang rehearsal, puwede na kaming umuwi at mag-beauty rest.

Palabas na ako ng Hotel nang masalubong ko si Tanya. Hindi ko siya nakausap kanina noong nasa company kami. Looks like, maraming ginagawa at inaasikaso ang kaibigan ko para sa darating na anniversary ng All's Magazine bukas.

"Tanya!" I called her out bago pa siya makapasok sa entrance ng Hotel.

"Hey, Marie." Habang lumalapit ako hindi ko na maiwasan ang mapailing dahil sa ngisi na ipinapakita niya.

"Need help?" Inagaw ko sa kaniya ang maliit na paper bag.

"Thanks." Ngumiti ito ngunit bigla rin sumeryoso ang mukha nang mapahinto ito sa paglalakad. Nang tingnan ko ang tinitignan niya, pasimpleng napataas ang kilay ko.

"Good morning, Ma'am Hailey."

Tumaas ang kilay ni Hailey at binalingan ako bago kami lagpasan. Napangisi ako.

"Gaga ka!" Nagulat ako nang hilahin ako ni Tanya sa isang sulok. Lumapit siya sa akin at bumulong.

"Alam mo bang nagwala 'yang babaeng 'yan sa Company?" Hininaan niya ang boses niya habang pasimpleng umiikot ang mata sa paligid.

"Talaga? Bakit nagwala? Kailan?"

"Noong araw na wala kayo parehas ni Sir Logan."

Ako naman ang lumapit sa kaniya lalo at paminsan-minsan tumitingin sa loob ng Hotel.

"Tinanong ako ng asawa ni Sir kung may alam ba raw ako kung saan nagpunta ang boss ko. Ang sabi ko lang wala akong alam. Alam mo ba, nakakatawa 'yong itsura niya. Tapos eto pa," Nilibot niya ang paningin sa paligid bago bumulong sa tenga ko. "Sabi pa niya sa'kin, pakiramdam niya may babae si Sir Logan."

Napangisi ako sa narinig. "You should've took a video para naman makita ko kung paano siya kainin ng curiosity niya."

"Nag-away na naman siguro ang mag-asawa kaya nagyaya 'yang si Sir Logan na magliwaliw kasama ka, ano?" Nagkibit balikat ako sa tanong niya.

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon