47; Her last ace

2.5K 68 3
                                    


Nanginginig na kinuha ko ang phone ko nang makasakay ako sa taxi. I dialed someone's number. Makailang ring pa ang narinig ko bago nito sagutin ang tawag ko.

"Marie?"

Humigpit ang hawak ko sa phone. "Can you fetch me here? Wala kasi akong dalang kotse."

"Lumabas ka ng condo mo? Nasaan ka?"

Tumingin ako sa driver at muling ibinaling ang tingin sa labas. Huminga ako ng malalim at pikitmatang nag-imbento ng lugar.

"Okay, wait me there."

Pinatay ko ang tawag at tumingin sa driver. Sinabi ko ditong doon ako ibaba sa sinabi kong lugar kanina. Nang makarating sa pupuntahan ay naupo muna ako sa isang malaking bato at pinagmasdan ang tanawin sa ibaba. Kitang kita ang mga naglalakihang building mula sa kinaroroonan ko. Naramdaman kong nagvibrate ang phone at nang tignan ko 'yon nakareceive ako ng isang text mula sa kaniya.

Nandito na ako. Nasaan ka?

Itinago ko ang phone sa bulsa ng hoodie jacket ko at naglakad sa kinaroroonan niya. Mabagal ang paglalakad ko habang pinagmamasdan ko siyang nakatayo sa ilalim ng puno. Hindi niya ako napansin nang huminto ako sa likuran niya. Kumuyom ang kamao ko at kinalma ang sarili. Hindi sinasadyang naatrasan niya ako. Imbes na lumayo, nanatili lang ako sa kinatatayuan ko.

Sa paglingon niya, tumaas sa ere ang kamay ko at pinadapo ko sa pisngi niya ang mga palad ko. Gulat na napabaling siya ng tingin sa'kin habang nanlalaki ang mata.

"You betrayed me, Misty. You fucking betrayed me!" Ang kaninang galit na pinipigilan ko kanina ay nailabas ko na ngayon.

"M-Marie--"

"Why? Why did you do that?" tanong ko at hinayaang maglandas ang luha sa pisngi ko. Gusto ko siyang sabunutan, sampalin ng paulit-ulit. Paano niya nagawa ang bagay na 'yon? Kaibigan ko siya for pete's sake!

"May nagawa ba akong masama sa'yo, Misty?" Wala naman akong nagawang mali sa kaniya. Ni hindi nga kami nag-aaway.

Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang mga kamay ko. "I-I'm sorry, I'm sorry.." Paghingi niya ng tawad habang umiiyak.

"Why, Misty? Why?!"

"I'm s-sorry, Marie, I-I'm s-sorry--"

Iwinaksi ko ang kamay ko at sinampal siya ulit. "Yan lang ba ang sasabihin mo? Sorry?" I cursed. "Kaibigan kita. Itinuring kitang kapatid ko pero bakit, bakit trinaydor mo ako?" Hindi siya sumagot at patuloy lang sa paghingi ng sorry. Hahawakan niya sana ang kamay ko nang iniwas ko 'yon. Lumayo ako ng kaunti sa kaniya at napakagat sa ibabang labi. Gusto kong humagulgol sa iyak at magwala sa galit.

"I'm s-sorry.. I-I'm sorry.."

Umiwas ako ng tingin at pilit na pinupunasan ang luha kong ayaw tumigil sa pagpatak. Naramdaman ko ang magigpit na pagyakap niya sa binti ko. Mas lalo akong napahagulgol.

"P-patawarin mo ako, M-Marie, sorry.."

"S-sagutin mo ang tanong ko, Misty." Ilang beses kong kinurap ang mata ko at tumingin sa kaniya. "Bakit mo ako nagawang traydurin?"

Isinubsob niya ang mukha niya sa mga hita ko. "My m-mom.. kapatid ng mommy ko ang mommy ni Hailey."

Kahit nagulat ay nagawa ko pa ring tanungin siya. "Anong koneksyon ng sagot mo sa tanong ko? Diretsahin mo na lang ako, pwede ba?!" Pilit ko siyang inilalayo sa akin dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at masaktan ko siya.

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon