6; What if

3.8K 88 10
                                    


Hinatid ko muna si Lianne sa bagong tutuluyan nito. Kasama ko si Kim pero nagpauna na itong umalis keysa sa'kin.

"Okay ka na ba dito? Papasamahan kita kay Tanya--"

"Kaya ko na, Marie. Okay na ako dito." Ngumiti siya pero hindi iyon umabot hanggang mata niya. Bumuntong hininga ako at binaba ang gamit ko sa maliit na table. Sa sitwasyon niya ngayon, hindi ako kampante na maiwan siyang mag-isa.

"Hindi ka pa ba uuwi? Baka nakakaistorbo na ako sa'yo." sabi nito.

Umiling ako. "Wala din naman akong gagawin sa condo. Mamaya na lang siguro ako uuwi." Naupo ako sa maliit na sofa.

"G-gan'on ba? Mag.. magluluto lang ako--"

"Ako na magluluto." Tumayo ako at nagtungo sa maliit niyang kusina. Buti na lang nag-grocery kami ni Kim para sa kaniya.

Pagkaluto ko ng dinner naghain na agad ako. Simpleng tinola at fried chicken lang ang niluto ko.

"Hindi mo ba nagustuhan ang luto ko?" tanong ko. Nilalaro niya lang kasi ang pagkain niya.

"Natatakot ako, Marie.." sabi niya bigla kaya napalingon ako sa kaniya. "Natatakot ako para sa magiging buhay ng anak ko."

Napatigil ako sa pagkain.

"Siguro ngayon pa lang alam na ng Founder ang nangyari. Paano na? Paano ko ipapaliwanag ang side ko? Nahuli ako, Marie. Sinuway ko ang rules na'tin."

Nilapitan ko siya at niyakap. Nagsimula na naman siyang umiyak. Napakahirap ng sitwasyon niya. Ang magagawa ko lang na tulong ay palakasin ang loob niya.

_

Nalaman ko kay Tanya na may meeting ang mga Founder at Superior. Nagtipon sila sa meeting room ng Quarters. Pinatawag din nila si Lianne upang kausapin.

Pagkatapos ko sa commercial project shooting ko, agad akong nagtungo sa Quarters upang makibalita. Kinakabahan ako kay Lianne. Kinakabahan din ako sa maaaring punishment ni Lianne dahil sa pagsuway nito sa rules ng Org.

Pagkarating ko nakita ko agad na nagkakagulo ang mga babae sa Quarters. Hinanap ng mata ko ang mga kasama ko.

"Marie!" Lumapit ako kay Kim na nasa isang tabi.

"Anong nangyayari? Bakit nagkakagulo dito?" tanong ko sa kaibigan.

"Nagsimula na naman ng gulo si Alexis. Inaawat na siya nila Gina."

Kumunot ang noo ko. Alexis is one of us. Kabit din ang babaeng tinutukoy ni Kim. Actually, lahat kami dito ay mga kabit.

"You should know that in the first place. Hindi ikaw ang asawa niya. Dapat alam mo na hindi ikaw ang pipiliin niya!"

"Oo na, naging tanga na ako! Wala na rin naman akong magagawa pa kasi nangyari na!"

Agad akong napasingit sa mga kamiyembro ko nang mabosesan ko ang nagsalita. Nakita ko si Alexis at Lianne na magkaharap habang pinipigilan naman sila nila Gina at Tanya.

"Yan ang hirap sa'yo, Lianne. May itsura ka nga wala ka namang utak." nakaismid na wika ni Alexis. Akmang susugod na si Tanya nang pigilan ko siya. Ako ang humarap kay Alexis na nakangisi sa gawi ko.

"Bakit, Alexis? Ikaw, may utak ka ba?" Nagcross arm ako. "Katawan mo lang naman ang ginagamit mo para lang mahuthutan mo ang lalaking pineperahan mo hindi ba?"

Napa-woah ang mga babaeng nakapaligid sa amin. Tumaas ang kilay ko ng manahimik siya.

"Hindi mo na sinunod ang rules ng Org. dahil lang dyan sa kagustuhan mong yumaman." dagdag ko pa. Tumabi si Tanya sa'kin at hinarap si Alex.

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon