59; Rejection

3.7K 70 16
                                    


Logan

"P-palabasin mo na ako, Logan. Wala ka namang mapapala pa sa'kin.."

Gustuhin ko mang umalma, pinili ko na lang na hindi magsalita. I started the engine, instead. Kung kinakailangan na kidnappin siya ulit, gagawin ko. We are about to go when suddenly a black McLaren blocked my way. Binusinahan ko na't lahat lahat pero hindi pa rin umaalis ang gago.

Bumukas ang pinto at bumungad sa paningin ko ang isang pamilyar na mukha.

"B-Bont.."

There his name. Bont? Pwe.

Bont run to Elizabeth's side and knocked on the window. Nagpupuyos ako sa galit nang halos basagin na nito ang bintana ko.

"Marie! Marie, buksan mo 'to." Kinatok nito ng kinatok ang bintana ko.

"B-buksan mo.." Elizabeth looked at me with teary eyes. "Palabasin mo na ako, Logan!" pagmamakaawa niya.

"B-Bont.." Narinig kong sambit niya sa pangalan ng lalaking 'yon. Binuhay ko na ulit ang makina ng sasakyan ko at ini-atras ang kotse.

"Nababaliw ka na ba talaga?!" Patiling tanong ni Elizabeth. "Palabasin mo na ako! My fiance is here!"

Kumulo ang dugo ko sa narinig but, I manage to smirked. Mas lalong umusbong ang inis at galit ko dahil doon kaya inabante ko ang kotse pero agad ding pina-atras.

"Logan!" I didn't dodge when she started to hit me. "Tigilan mo na kami ni Bont! Palabasin mo na ako!"

I smirked. Paulit-ulit kong ginawa ang abante at pag-atras ng kotse ko pero tangina, hindi pa rin sumusuko ang lalaking 'yon.

"Tumigil ka na! Logaaan!" She kicked my legs. Hindi ko ininda 'yung sakit dahil sa takong nito na tumama sa hita ko.

Instead, I looked at her. "I won't let him get you. You are mine, Elizabeth. You are mine alone."

She's mine. Hindi ako papayag na mapunta siya sa iba. Sa akin siya. Sa akin lang.

Inilabas ko ang baril ko at lumabas ng kotse. Agad akong sinugod ng lalaki ni Elizabeth at kinuwelyuhan. Sinamaan ko siya ng tingin habang nakatiim ang bagang.

May itsura siya pero mas gwapo ako.

"P-please, L-Logan.. h-huwag.." Inilayo ni Elizabeth ang lalaki sa'kin.

"U-umuwi na tayo, B-Bont.."

"No, Marie. Hindi tayo uuwi hangga't hindi ko natuturuan ng leksyon itong ex mo."

"B-Bont.."

"Minsan na akong naisahan ng lalaking ito. Hindi ko na hahayaan na kidnappin ka niya ulit!"

Napangisi ako pero agad ding nawala iyon nang sunggaban ako nito ng suntok sa mukha. Hindi ako agad nakaiwas. Naramdaman kong namanhid ang labi ko. He punched me again and I just let him. Nang masuntok niya ang sikmura ko doon na ako nanlaban. Siniguro kong mas malakas pa sa suntok niya ang suntok na binigay ko. Agad nagdugo ang labi niya kaya napangisi ako.

'Yun na 'yon? Wala na bang mas lalakas pa 'yung suntok niya? Weak. Akala ko pa naman malakas siya. Kahit nga siguro mga pamangkin ko kayang-kaya sumuntok ng gan'on.

"Ito ba ang pinalit mo sa'kin, Elizabeth? Parang bata kung sumuntok." I spit out and smirked. Mas lalo akong natuwa nang mamula sa galit ang gago.

"Anong sabi mo?!" He was about to punched me again when I abruptly took out my gun and pointed it to his direction. The guy was blocked by Elizabeth who's trying to protect him from me.

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon