21; The Show

2.4K 59 3
                                    


"Hailey!"

Napalingon ang babaeng tinawag sa tumatakbong asawa na papalapit sa kanilang kinaroroonan. Nanlaki ang mata ni Logan nang makita ang ginagawa ng asawa. Hindi na nagdalawang isip pa si Logan at agad na nagdive. Iniahon nito si Marie at inihiga sa gilid ng pool.

Bago pa ma-cpr ni Logan ang walang malay na si Marie, may tumulak sa kaniya palayo at ito na ang gumawa ng mouth to mouth resuscitation. Samantala, bakas ang pagkabigla sa mukha ni Hailey at may kaunting takot pa itong nararamdaman nang makita nito ang sinapit ni Marie.

"What did you do, Hailey?!" galit na sigaw ni Logan sa asawang balisang balisa.

"I.. I--" Hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Hailey nang makita niyang nagsilabasan ang mga tao sa hotel at naki-isyoso.

"Ambulance! Call the ambulance!" sigaw ni Logan sa mga staff niya na agad namang tumalima sa pinag-uutos niya.

"No need." saad ni Luigi.

Nagkamalay na si Marie at walang humpay itong umuubo. Nanlalabo ang mata nitong tumingin sa paligid at una niyang nakita si Luigi sa kaniyang harap.

"Marie! Oh, God, you're safe now." Niyakap ni Luigi so Marie ng mahigpit. Takot na takot ang binata nung makita niyang wala ng malay si Marie nang iahon ni Logan sa pool. Siya na ang gumawa ng mouth to mouth resuscitation para mailigtas ang babae sa pagkalunod.

"L--" Hindi na naituloy ni Marie ang kaniyang sinasabi nang unti-unti niyang naramdaman na bumibigat ang talukap ng mata niya.

"Marie-- Marie!" Tinapik ng binatang si Luigi ang pisngi ni Marie at pilit na ginigising ngunit mukhang nawalan ulit ito ng malay.

Dinala si Marie sa isang kwarto.  Habang wala pa itong malay nagpatawag si Logan ng doctor upang tignan ang kalagayan ni Marie.

Sa kabilang banda, tulala naman si Hailey at sinasariwa ang kaniyang ginawa sa babae. Hindi niya lubos maisip kung matutuwa ba siya o maaawa sa kalagayan ni Marie. Alam niyang siya ang may kasalanan kung bakit muntik ng malunod ang babae ngunit iniisip niyang kasalanan din nito. Marie triggered her nerves that's why she did that.

Nabalik si Hailey sa reyalidad nang makita niya si Logan na papalapit sa pinto ng kwarto kung nasaan si Marie, ang pinagdududahan niyang kabit nito.

"Pupuntahan mo ba ang kabit mo sa loob at aalamin kung napatay ko ba siya?"

Napatigil sa pagpihit ng doorknob si Logan at tiim bagang na lumingon sa asawa.

"What are you talking about, Hailey?"

"Siya ba?" Lumapit si Hailey sa asawa at tinulak. "Siya ba ang kabit mo? Ha?!"

Seryoso lang ang mukha ni Logan habang tumingin ito sa paligid. Baka may makarinig sa kanila.

"What the fuck, Hailey? Are you out of your mind?"

"I saw how you fucking kiss her kanina! Do you think hindi kita makikilala sa suot mo?!" sigaw ni Hailey, not minding they are surrounded by staffs and crew.

Nanggagalaiting hinawakan ni Logan si Hailey sa braso nito at kinaladkad sa tagong pwesto. Ibinalya niya ang asawa habang nagngingitngit sa galit.

"How are you so sure na ako 'yung nakita mo? And fuck, Hailey, tigilan mo na nga 'yang kahibangan mo na may babae ako." Napahilamos sa mukha si Logan. "Nandamay ka pa ng ibang tao. Don't you know you almost killed her? Kung hindi pa ako dumating baka--"

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon