4; Honeymoon's Intruder

4.8K 95 10
                                    

Author's Note: SPG alert! Mature content ahead. Please, read at your own risk.

R18+

Enjoy Reading, Silents!

____

Marie Elizabeth's

"Marie, vacant ka ng dalawang araw. Nireschedule ni Mr. Popoy 'yung photoshoot mo sana sa kanila."

I sipped my coffee and nod my head. Wala ako sa mood magtrabaho ngayon. Simula n'ong matapos ang kasal parang nawala na ako sa mood kumilos.

"Uuwi ka na ba? Or may pupuntahan ka pa?" tanong ni Celeste at niligpit ang gamit ko. Ngayon ang honeymoon nila. Sinabi sa akin ni Tanya na nakaleave ng tatlong araw ang Boss niya.

"May pupuntahan ka ba?"

Lumingon ako kay Celeste at ngumisi. Dalawang araw naman akong walang photoshoot. Bakit hindi ako magbakasyon muna?

"Ipabook mo ako ngayon ng ticket papuntang Boracay." I grab my phone and my bag.

"Ha? Bakit ka pupunta sa Boracay?" tanong niya kaya napairap ako.

"Matutulog ako doon." sarcastic na sabi ko. "Duh? Bakit ba pumupunta ang mga tao sa Boracay? Sige nga." Napairap ako. Minsan hindi ko alam kung slow ba 'tong babaeng 'to o tanga lang talaga.

"Magpareserve ka na din ng room sa Chateu de Boracay Hotel. Maghahanda na ako ng mga gamit ko." Pumasok ako sa room ko at iniwan sa sala si Celeste.

Naglabas ako ng iilang pares ng bikini at shorts. Kumuha din ako ng dalawang see-through. Akala ba nila magiging masaya sila sa honeymoon nila? Of course, not. I wouldn't just sit here and do nothing habang sila nagpapasarap sa bisig ng isa't-isa.

I wouldn't called as mistress for nothing.

_

"Welcome to Chateu de Boracay Hotel, Miss Marie Alvarez."

I was shocked to see a lot of Hotel's employee welcoming me in the Hotel's entrance. They give me a bouquet of flowers.

"Welcome, Miss Marie. Enjoy your two nights vacation here at Boracay Island."

"Thank you." I said and smiled at them.

May iilan na lumalapit sa akin at nagpapicture. Sinamahan naman ako ng isang staff sa magiging suite ko. Nagpasalamat ako sa babae bago ito umalis. Pagkapasok ko sa suite tinawagan ko si Celeste.

"Nakarating ka na sa Hotel?" bungad niya. Pabagsak na umupo ako sa kama at tinanggal ang red stiletto ko.

"Did I told you to make it a secret? Pinagkaguluhan ako kanina!"

Paano kung malaman ni Logan na nandito din ako? Eh 'di sira ang plano ko?

"Eh? Akala ko kay Sir Logan at sa mga staffs lang hindi pwede sabihin--"

"My God, Celeste!" Inis na pinatay ko ang call at nahiga sa malambot na kama.

Wala na! For sure alam na ni Logan na nandito ako sa Hotel kung saan naroon din sila.

Ugh! Remind me to fired Celeste when I go back to Manila.

SUOT ang Boracay OOTD ko, lumabas ako ng Hotel at napagpasyahan na maglibot muna. Kakain na muna ako bago ko hanapin ang mag-asawa para manggulo.

"Nandito daw 'yung Boss ng All's Magazine kasama ang asawa nito."

"Talaga?"

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon