31; Again

2.4K 64 4
                                    


I tried to call Luigi's number but I can't reach him. Muntik ko nang puntahan siya sa condo niya kaso pinigilan ako ni Tanya.

"Can you calm your ass, babae? Ako ang nahihilo sa kakaikot mo."

Kagat labi akong napaupo sa sofa. I reach my phone and try to call him again pero walang sumasagot. Simula noong natuklasan niya na may relasyon kami ni Logan, hindi ko na siya nakita pa. I even texted him to meet me pero wala akong nareceive na reply sa kaniya kaya hindi ako mapalagay. I don't even know his whereabouts.

"How can I calm, Tanya? Alam na niyang kabit ako ni Logan." Tinignan ko ang kaibigan na prenteng nakaupo lang sa sofa across mine. Napailing siya.

"Ikaw naman kasi, sabi ko sa'yo mag-ingat ka. Look at you now. You're doomed."

"Hindi ka nakakatulong, okay?" Inirapan ko siya. Imbes na tulungan ako, nang-asar pa.

"Paano kung sahihin niya sa media ang nalaman niya?" Napalingon ako kay Tanya at umiling.

"He won't do that." I crease my forehead. Alam ko hindi magagawa ni Luigi ang bagay na 'yon.

"How sure you are? You turned him down, right? Syempre masasaktan 'yung tao tapos maghihiganti--"

"Shut up, Tanya. Hindi ganun si Luigi." I know Luigi in a span of time. We're friends. Hindi niya gagawin 'yon.

Dumaan ang isang araw na hindi ko pa rin nakokontak si Luigi. Pinuntahan ko na rin siya sa condo niya. Umabot pa ako sa puntong nagbigay na ako ng calling card sa guard para matawagan ako kung sakali na dumating na si Luigi. At noong isang araw lang ay may tumawag sa'kin at sinabing lasing na lasing si Luigi kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na puntahan siya.

Pagdating ko sa condo niya, bagsak na bagsak siya sa couch niya looking so helpless. He reeks at alcohol kaya no choice kundi alagaan siya. He's a brother to me kaya wala akong nakikitang malisya habang pinapalitan ko siya ng damit.

Nagulat ako nang hawakan niya ang braso ko nang akmang isasauli ko na ang ginamit kong towel panglinis sa kaniya. He looked at me and smile.

"You're here. A-am I.. am I just dreaming?"

Napakurap ako at inilingan siya kapagkuwan. Lasing na lasing nga siya kasi nagsimula na siyang maghubad. Buti na lang ay napigilan ko siya bago pa niya hubarin ang brief niya. Jusqo! Magkakasala ako neto.

"Matulog ka na, Luigi, mag-uusap tayo bukas." Kinumutan ko siya at hininaan ang aircon. Aalis na sana ako nang hawakan niya bigla ang kamay ko.

"D-don't leave, p-please.." Nagsimulang tumulo ang luha sa mata niya. Kinulong niya ang mga kamay ko sa pagitan ng mga palad niya.

"Huwag na si Logan, p-please? Ako na lang mahalin mo, huwag na siya.."

Napakagat ako ng labi. Tinanggal ko ang kamay niya.

"M-matulog ka na." Hinawi ko ang buhok niya at ngumiti ng matamis. Naglakad na ako palapit sa pinto nang mapahinto ulit ako.

"Marie.."

Lumingon ako sa gawi niya. Nakapikit na ang mata niya. 

"Ako na lang Marie, ako na lang mahalin mo, please.."

Malungkot akong ngumiti. "I'm sorry, but I'm already in love with someone else." Iniwan ko na siya sa kwarto niya at lumabas ng condo niya.

Kinabukasan n'ong pumunta ako sa condo ni Luigi, wala na ito doon. Tinanong ko si Manong guard kung may alam siya kung saan ko pwedeng matagpuan si Luigi pero hindi nito alam ang isasagot.

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon