3; The Wedding

4.7K 109 4
                                    

"What?! Imbitado ka sa kasal ni Logan?"

Umikot ang mata ko. "Paulit-ulit naman kayo. Sinabi ko na nga 'di ba?" naiinis na wika ko. Bumagsak sa tabi ko si Kim at kumuha ng chips sa table.

"Tutuloy ka pa din ba?" tanong niya.
Sumandal ako sa couch at tinignan sila Lianne at Tanya na naghihintay.

"Of course. Umulan man o bumagyo tuloy na tuloy pa din ang pagpunta ko." nakangising sabi ko.

"Mag-ingat ka pa din, Marie. Alalahanin mo ang mga rules na dapat sundin." seryosong sabi sa'kin ni Tanya.

"I know. Hindi ko nakakalimutan ang mga rules na'tin, okay? I know what I'm doing." Umikot na naman ang mata ko sa hangin.

"Balitaan mo na lang kami. Tawag ka lang sa'min 'pag may problema." sabi ni Lianne. Tumango ako at nagpaalam na sa kanila. Sa condo ko na lang itutuloy ang pagg-gym ko.

Pagdating ko sa condo, sabi ni Manang may nagpadala daw ng package sa'kin galing kay Luigi.

"Manang, pakitawagan naman po si Manong Silverio. Magpapahatid lang ako sa Parlor."

"Oh, siya, sige."

Dinala ko ang malaking kahon sa kwarto ko at binuksan 'yon. Pinadala na pala ni Luigi ang susuotin ko para sa kasal mamaya. Isa iyong tube dress na color beige. Papunta na ako ngayon sa Salon na pagmamay-ari ni Maia para magpaayos.

"Hi, baks!" Ngumiti ng malawak si Maia nung makapasok ako sa Salon niya.

"Hi." Nakipagbeso muna ako sa kaniya. Maraming lumapit sa'kin na mga customer at nagpapicture.

"How are you? Ilang araw na kitang hindi nakikita. Wala man lang paramdam, ha!" sabi ko. Iginiya niya ako sa Office niya.

"You know, gusto ko ng makalimot sa pagkakamaling ginawa ko. I'm sorry kung pati kayo naaapektuhan." Napayuko siya kaya lumapit ako at niyakap siya.

"Napatawad ka na ni Misty. Tinatanong ka nga niya sa'kin palagi. She wants to see you actually." I smiled at her.

Nagkaalitan kasi sila ni Misty dahil sa iisang lalaki. They are my high school bestfriends. Misty, Kim and her. Pero kami lang ni Kim ang mahilig talagang sumabit sa may asawa.

Maia knows our secret pero si Misty hindi. Iba kasi ang ugali ni Misty. Masyadong spoiled brat at madaldal ang babaeng 'yon kaya mahirap pagkatiwalaan sa mga sikreto.

"Saan lakad mo bakit ka magpapaayos? Hindi ba keri ng assistant mo na ayusan ka?" Tanong niya.

Napairap ako. "Hindi marunong si Celeste magmake-up. Like, duh? Hindi ko nga alam kung babae ba 'yun, eh. Ni buhok ko nga di marunong ayusin." sabi ko. As if on cue, nagpakita ang pinag-uusapan namin dala ang mga gamit ko.

"Excuse me? Ako na naman pinag-uusapan niyo." maangas na wika niya.

"See? Kilos pa nga lang niya, mas lalaki pa sa driver ko." sabi ko. Tumaas ang kilay ni Celeste.

"So.. saan nga ang lakad mo?" tanong ni Maia kaya hinila ko siya palabas ng Office niya.

"I'm attending a wedding." Hininaan ko ang boses ko para walang makarinig na iba.

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon