34; The Evil Sister

2.5K 67 2
                                    

Isang linggo pa akong nanatili sa mansion bago napagpasyahang bumalik na ng Manila. I just hope na wala sanang nag-aabang na media sa bahay or sa condo na uuwian ko. Tumahimik na rin sa social media at nadivert ang usapan sa isang Hollywood actress na nagsuicide. Hindi na ako pinigilan pa ni Daddy sa gusto ko pero may condition siya. Hahayaan niya akong bumalik sa trabaho ko sa Manila nang may bodyguards sa tabi. Kung hindi ko pa kilala si Daddy aakalain kong iyon lang ang condition niya pero hindi, may mga tauhan siyang nakamasid sa bawat galaw ko.

Gan'on pa man, hindi pa rin ako mapakali. Paano kung isang araw, bigla na lang mabuhay ulit 'yung issue? Ni hindi ko nga alam kung paanong napatigil ni Logan ang pagkalat ng video namin. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin akong balita sa kaniya.

Bumalik na rin ako sa trabaho at kapansin-pansin ang pagkailang ng iba sa'kin. Bago ko pa makalimutan, kakausapin ko nga pala si Tanya tungkol sa issue.

"Namayat ka." I just smile at her and sit in front.

"Kamusta?" tanong ko at inilibot ang tingin sa paligid ng restaurant. Nakausot ako ng cap at shades para hindi ako makilala.

"Well, maayos naman ako medyo busy lang sa trabaho."

Napatango ako. "Si Logan? Kamusta na siya?" Tatlong linggo ko na siyang hindi nakikita.

"He's.. fine. Unti-unti nang bumabangon ulit sa kahihiyan." nakangising wika niya na inirapan ko kahit nakasuot ako ng shades.

Lumapit ako sa kaniya, "Now, tell me all the details I wanted to know." Alam kong alam niya ang tinutukoy ko.

Kinwento naman niya ang buong pangyayari. Kung paano may kumalat na video namin at kung sino ang nag-upload. Hindi ko kilala kung sino 'yung binanggit niyang pangalan pero ang sabi niya, nakakulong na daw ang lalaki dahil sinampahan ni Logan ng kaso.

"Paano napatigil ni Logan iyong pagkalat ng video namin?" tanong ko habang sumisipsip ng fruit shake.

"He hired someone. Hindi ko kilala kaya hindi ko masabi sa'yo kung sino. At kung tatanungin mo ako kung anong statement ni boss sa issue, here.." Pinakita niya sa'kin ang kanina pa niyang hawak na tablet. Tumingin muna ako sa paligid bago buksan ang video. It is a conference!

"Totoo bang may namamagitan sa inyo ng sikat na model na si Marie Alvarez?"

"No. It's not true." sagot ni Logan sa reporter na nagtanong.

"Paano mo maipapaliwanag ang mga pictures na matibay na ebidensyang kabit mo nga si Marie Alvarez?"

"It was all edited." May lumabas na dalawang lalaki na may dalang box. Isa-isang binigyan ng dalawang lalaki ang mga taong naroon ng maliit na papel.

"As you can see, edited ang mga pictures."

Tumingin ako kay Tanya na tahimik lang na pinagmamasdan ako. Binalik ko ang tingin sa video.

"And the video.. it wasn't me."

Umugong ang iba't-ibang tanong sa loob ng silid.

"It's my cousin she's kissing with."

I can saw how his eyes become cold. Nagtatakang binigay ko kay Tanya pabalik ang tablet niya ng matapos ito.

"Paanong?"

"He's Logan McFord, what do you expect?" nakangising tanong niya. "Napatunayan naman na nagsasabi ng totoo si Logan dahil pinatotohanan ng pinsan niya na hindi si Logan ang kahalikan mo sa video."

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon