28; More Better

2.5K 80 5
                                    


After that day hindi na umuwi si Logan sa bahay. He didn't text me nor call me. Iisipin ko na sanang galit siya sa'kin kung hindi ko lang nabalitaan na pumunta silang Europe ni Hailey para sa gaganapin na event ng kumpanya nila.

So.. balik ulit siya sa asawa niya? Ganun na lang 'yun? Hindi man lang ako tinawagan or kahit magtext man lang! Gabi-gabi ko siyang hinihintay sa labas ng bahay tapos malalaman ko nasa ibang bansa siya kasama ang bruhang asawa niya!

"Hoy, girl, easy lang sa steak. Kung tao lang 'yan kanina pa 'yan nagreklamo."

Masama ang tingin nang nilingon ko si Celeste sa tabi ko. Bwisit! Nawalan na ako ng gana kumain.

"Diet ka? Akin na lang." Hindi pa ako nakakasagot nang kunin niya ang plato ko at siya na ang umubos ng pagkain ko.

"Patay gutom ka talaga." naiinis na sabi ko at umirap sa hangin. Ininom ko na lang ang fruit shake ko.

"Noong isang araw ka pang wala sa mood. Anyare?" usisa ni Tanya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Wag kang lumapit sa'kin, Tanya, baka nakakalimutan mo may kasalanan ka pa sa'kin."

Mukhang nakalimutan na nito ang kasalanan niya. Ano iyon? 'Yung picture ko na nakikipag-usap sa kaibigan ni Kim noong birthday nito. Logan confronted me dahil sa picture na sinend ng magaling niyang sekretarya. Takang taka pa ako noong una kung paano ako nagkaroon ng picture sa cellphone niya kung saan parang naglalandian kami ng kausap ko. Doon ko lang nalaman na galing kay Tanya ang picture at talagang ibang number pa ang ginamit niya.

Natawa si Tanya. "Hindi ko pa natatanong sa'yo kung paano mo nalaman na ako ang nag-send ng picture kay Boss."

Napairap ako. "Nakakalimutan mo yatang IT expert si Misty."

At dahil doon, nalaman din ni Misty na kabit ako ni Logan dahil pina-trace ko sa kaniya kung sino nag-send kay Logan ng picture. Dala ko kasi ang phone ni Logan noong pumunta ako sa condo niya and there, nalaman na niya na siya lang pala ang walang alam sa tinatago kong sikreto. Nangako pa ang babae na hindi niya ipagkakalat ang nalaman niya kahit na pinagkaisahan daw namin siya. Well, sana nga itago niya. Madaldal pa naman ang babaeng 'yon.

"Sorry! Maganda naman yata ang kinalabasan ng ginawa ko." nakangising sabi niya at sinundot pa ang tagiliran ko. Imbes na kiligin dahil sa naalala noong gabing 'yon, nainis pa ako.

"Aalis na nga ako! Dyan ka na." Tumayo na ako at akmang aalis na nang magsalita siya.

"Aalis ka na agad? Hindi mo na ba hihintayin si Boss? Parating na daw iyon."

Humarap ako kay Tanya at binigyan siya tingin na blanko. "I don't care."

I really care. Syempre excited ako ulit makita si Logan pero nang sumagi sa isip ko na magkasama sila ni Hailey sa Macau ng ilang araw, parang gusto ko na lang huwag nang makita si Logan.

Tinalikuran ko na si Tanya nang lumakas lalo ang tawa niya. Buti na lang kaming dalawa lang ang tao sa top floor kung hindi baka mapagkamalan pa siyang baliw nang makakakita sa kaniya.

Sumakay na ako sa elevator and pressed the ground floor. Nawalan na ako ng gana magpunta sa mall kaya uuwi na lang ako.

Pasakay na ako ng kotse nang may humila sa braso ko. Nagulat pa ako nang makita ang madilim na mukha nito.

"Logan,"

Hindi siya nagsalita habang nanatili ang matiim niyang titig sa akin. Pinigilan ko ang sarili kong mga kamay na hindi haplusin ang mukha niya.

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon