55; Unexpected Proposal

3.6K 82 11
                                    


Pupungas-pungas na nagising ako sa lakas ng tilian sa labas ng Office ko. Nang lumabas ako ay nakita ko si Bont na pinalilibutan ng mga ka-officemate ko. Tumaas ang kilay ko nang ngumiti siya sa mga babae na halos itapon na ang kanilang sarili sa boyfriend ko.

Taas noong naglakad ako at huminto sa likod ng matabang babae na si Emily, ang dambuhalang taga-bili ko ng materials.

"Excuse me, nakaharang ka." mataray kong sabi at nang lumingon siya, nanlaki ang mata niya at agad na nag-give way. Mas lalong tumaas ang kilay ko nang ngumiti si Bont nang makita ako.

"Hi." Humakbang siya palapit hanggang sa isang dipa na lang ang layo naming dalawa.

Nilibot ko ang tingin ko sa mga babaeng akala mo'y sinisilihan ang mga puwit.

Tumaas ang kilay ko. "Ano pang tinatayo-tayo niyo diyan? Bumalik na kayo sa trabaho niyo kung ayaw niyong tanggalin ko kayang lahat!" sigaw ko dahilan para magmabalis sila sa pag-alis.

Napapailing si Bont nang balingan ko siya. Hinila ko siya sa colar niya at nagtungo sa Office.

"Ang aga-aga nambubulabog ka? Kailangan mo?" tanong ko at naupo sa swivel chair ko.

"Sungit mo ngayon, boss babe. Sorry na."

Natawa ako ng pagak. "Magso-sorry na lang labas ilong pa." Bulong sana iyon pero nilakasan ko pa rin para marinig niya.

"Sorry na, babe. Ang dami kong pasyente sa clinic kaya hindi na kita nasundo." Lumapit siya sa upuan ko at niyakap ako.

Napanguso ako. "Ang tagal kong naghintay sa restaurant kahapon! Muntik na nga mamuti mata ko, eh."

Pigil ang ngiting hinalikan niya ako sa pisngi. "Bawi na lang ako ngayon. Let's go." Hinila niya ako pero agad ko rin siyang pinigilan.

"Saan mo na naman ako dadalhin? Ayoko nga." tanong ko pero ang mata'y hinahanap na ang bag ko. Nang mahanap ko ang bag ko agad ko 'yong kinuha at nilingon si Bont.

"Sus. Ayaw daw pero hawak na ang bag." Natawa siya at hinalikan ako ng mabilis sa labi. Kinuha niya ang kamay ko and intertwined our fingers.

"Let's go?"

Tumango lang ako at natawa na rin.

Dinala ako ni Bont sa paborito naming Italian restaurant sa Alabang. Nagtataka pa ako kung bakit kaunti lang ang kumakain ngayon. Mabibilang ko na lang yata sa mga daliri ko ang mga taong tahimik na kumakain sa loob.

"Nalulugi na ba ang restaurant na 'to, babe?" Tanong ko at nilingon siya. Napaangat ang ulo niya mula sa cellphone nitong kanina pa niya hawak. Sino kayang katext niya? Baka naman babae niya, ha, naku! Makikita niya!

"What made you think that?"

Nagkibit balikat ako. "Wala kasing masyadong customer ngayon. 'Di ba palaging fully loaded minsan kapag pumupunta tayo dito?"

"I heard someone closed the whole restaurant." Ngumiti siya. 'Yung ngiti na parang may something. Hindi ko lang mawari kung ano.

"You heard? Kanino?"

"I.. I--" Hindi na niya natapos ang sinasabi niya nang dumating na ang order namin. Inilapag ng babaeng waiter na kinulang yata sa tela ang uniform at ngumiti ng makahulugan kay Bont. Tumaas ang kilay ko. Gusto yata ng babaeng ito na lampasuhin ko 'yung sahig na inaapakan niya gamit ang namumutok niyang labi? Sabihin lang niya kung gusto niyang paputukin ko lalo 'yung labi niya. I'm willing to do it.

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon