49; His Anger

3K 75 16
                                    


Nagkagulo ang mga tao nang mawalan ng malay si Hailey. Agad binuhat ni Logan ang asawa at tumatakbong lumabas kasunod si Hendria at Emmanuel. Kumirot ang puso ko nang makita ko ang pag-aalala at panicked sa mata ni Logan. I never seen him like that before. Mabigat ang mga paang nagtungo ako sa labasan. Hindi pa man ako nakakalayo sa pinto umikot bigla ang paningin ko.

"Are you okay?"

Tumango ako sa isang lalaki at nang hindi ko na makayanan pa, humawak na ako ng mahigpit sa braso niya.

"Can you call my driver? He's.. he's in that car." Tinuro ko ang isang direksyon. Tumango naman siya at iniupo ako sa isang plant box.

Hindi nagtagal dumating ang driver ko at inalalayan akong sumakay sa kotse. Bago magsara ang pinto nilingon ko ang lalaki at nagpasalamat.

"Okay lang po ba kayo, Ma'am?"

Kinuha ko ang tubig na inabot niya at ininom iyon. Siguro dala lang ng gutom kaya ako nahilo. I forgot to eat my dinner last night. Kaninang umaga naman ay nagtimpla lang ako ng gatas.

"I'm fine. Balik na tayo sa condo." I rested my head in backseat. Pumikit ang mata ko at nagpalamon na lang sa kadiliman.

Nagising ako nang may marinig akong nag-uusap sa tabi ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at napalinga sa paligid.

"Gano'n po ba? Salamat, Doc."

Kunot ang noong napatingin ako sa suot ko. Wala na iyong gown na kaninang suot ko. Inangat ko ang ulo ko at binalingan si Maia.

"What happened?" Nasa kotse lang ako kanina, ah? Paanong napunta ako dito?

"Tumawag sa'kin ang driver mo dahil hindi ka daw magising kanina."

"What?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Paanong nangyari 'yon?

"Nawalan ka ng malay habang nasa sasakyan."

Napatango ako sa sinabi niya. "Pagod lang siguro 'to, Maia. Ilang araw na rin kasi akong puyat at hindi makakain ng maayos." pag-amin ko at umayos ng upo.

"Kailan ka huling dinatnan, Marie?"

Takhang nilingon ko siya. "Last.. month." Humina ang boses ko nang may mapagtanto. Iniling ko ang ulo ko. No, hindi pwede.

"Palagi ka bang inaantok, nagc-crave ng food? Or feeling mo lahat ng bagay sa paligid mo kinaiinisan mo?"

Kumunot ang noo ko at napatitig sa kawalan. Kahit hindi niya diretsahang sabihin sa'kin alam ko kung anong tumatakbo sa isip niya. Kinabahan ako nang sumagi sa isip ko ang tunay na katayuan ko.

"Maybe I'm just exhausted kaya siguro nawalan ako ng malay." Pumeke ako ng tawa at napailing. "Nagugutom nga ako, eh. Can you buy me some food?"

Tinitigan niya ako at pagkaraan ng ilang saglit, tumango rin. Lumabas siya ng silid at iniwan akong mag-isa. Unti-unting tumulo ang luha sa mata ko at napahawak sa tyan ko. Hindi ako mangmang pagdating sa ganito. Lahat ng sintomas na naramdaman ko last few days, lahat nagpapahiwatig na buntis ako. I just need to confirm it. Kailangan ko ng pregnancy test. Kinuha ko ang pouch ko at tinawagan si Maia.

"Hmm? May ipapabili ka pa ba?" tanong nito pagkasagot sa tawag ko.

"A p-pregnancy t-test. I need t-three of that, Maia." Agad kong pinatay ang tawag at napaiyak na lang. Dumating si Maia ilang minuto lang matapos niya akong bilhan ng PT at pagkain.

Wala siyang sinabi nang ibinigay niya sa'kin ang tatlong kahon ng pregnancy test. Pumasok ako sa cr and test the three PT. Dumagundong ang kaba sa dibdib ko habang nakatingin sa sariling repleksyon. If it's negative, thanks God. Pero paano kung.. kung positive ang resulta?

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon