33; So Called Side Chick

2.5K 66 3
                                    

Kakatapos lang ng problema, may umusbong ulit na panibago. Nagawang patigilin ni Logan ang pagkalat ng video namin pero may iilan pa rin na nangahas na magkalat ng iba't-ibang picture namin ni Logan na magkasama.

Mayroon 'yung kumain kami sa restaurant, sa bar, at 'yung gulo sa tent. Bumili ako ng bagong simcard dahil panay ang tawag sa'kin ng mga hindi nakarehistrong number. Sa palagay ko, mga media iyon na gusto akong interview-in.

Dalawang araw na simula noong mangyari 'yon at nandito pa rin ako sa mansion nagkukulong. Ni hindi na ako lumabas ng kwarto dahil sa takot na mahusgahan ng mga kasama ko sa bahay.

Lumipas ang isang araw, at isa pang araw. Medyo tumatahimik na sa social media. Hindi ko alam kung paano nagawa ni Logan iyon pero nagpapasalamat ako na hindi na gaga noong isang araw, tadtad ako ng email na nanggaling sa ilang mga bashers ko.

"Hija, hindi ka pa ba lalabas ng silid mo? Parating na ang Daddy mo."

Oo nga pala, ngayon ang uwi ni Daddy. Hindi na ako nakadalaw sa kaniya sa Hospital simula noong araw na 'yon. Hindi ko rin nakikita si Tita Corazon na umuuwi. At ngayon, nakarecover na si Daddy sabi ni Manang.

"Hija?"

Hindi ako sumagot. Ilang beses ng pabalik-balik si Manang para katukin ang pinto ko pero hindi ako tumatayo para pagbuksan siya. May naghahatid naman ng pagkain ko pero wala akong ganang kumain kahit na masarap ang nakahain na ulam. Ilang saglit pa nakarinig ako ng ugong ng sasakyan sa labas. Siguro sila Daddy na 'yon.

Tulad ng palagi kong ginagawa, nagtalukbong ulit ako ng comforter at umiyak ng umiyak. Sa tuwing naiisip ko 'yung kumalat na video namin ni Logan, hindi ko maiwasan na masaktan lalo na't tumatak sa isipan ko 'yung mga sinasabi ng mga tao. Hindi ko na namalayan ang sarili hanggang sa nakatulog na ako. Nagising na lang ako nang may kumatok sa pintuan ko.

"Marie?" Boses ni Tita Corazon. "Marie, mag-usap tayo. Buksan mo itong pinto mo."

Kahit ayoko siyang makausap, tumayo pa rin ako at binuksan ang pintuan. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa kwarto ko habang ako bumalik sa pagkakahiga sa kama.

"I saw some news about you. Did I told you to be more careful?"

Napairap ako. Nakalimutan kong siya nga pala ang supervisor ng Mistresses Org. na sinalihan ko.

"Kung hindi pa sinabi sa'kin ng secretary ko, hindi ko pa malalaman." Narinig ko ang buntong hininga niya.

"Hindi pa totally nawawala ang ibang pictures niyo na patuloy pa rin lumalabas at kumakalat sa social media. But the organization is already on it. I'm sure you know na baka one of these days, ipatawag ka nila Superior."

Yeah, she's right.

Napahinga ako ng malalim. Alam kong hindi agad mawawala itong issue namin ni Logan and worst, hindi maaalis sa utak ng mga tao ang napanood nilang video namin. Lalo na ngayon na may kumakalat pa rin na picture namin all over the social media. Sa madaling salita, hindi pa ako pwedeng bumalik ulit ng Manila dahil for sure dudumugin ako ng mga tao.

May nabasa pa akong isang article sa newspaper. Binansagan ako ng mga tao na The Side Chick famous model. Hindi ko alam kung maiinis ako o ano. Burong buro na ako dito sa bahay. Gusto ko ng bumalik sa Manila pero sabi ni Tanya mas mabuting mag-stay muna ako dito hangga't hindi pa tuluyang nawawala ang scandal ko.

"Your Dad wants to see you."

Nagtalukbong ako ng kumot at hindi siya sinagot.

"I didn't tell a single word about those spreading news. You're secret is safe. Nasabihan ko na rin ang mga maids at ilang tauhan ng Daddy mo na itago kung ano man ang nalalaman nila tungkol sa kung ano man ang namamagitan sa inyo ng anak ni Luciano McFord."

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon