45; Secret Out

2.5K 64 8
                                    


Wala na akong pakialam kung anong istura ko ngayon. Wala pa akong masyadong tulog simula noong isang linggo. I can't reach Logan. Ilang beses ko na rin sinubukan siyang puntahan sa condo niya pero wala siya doon. Nakailang punta na rin ako sa mismong bahay nila pero I can't trace him.

I even asked Tanya kung alam niya ang mga whereabouts ni Logan pero wala akong nakuha ni isang sagot sa kaibigan. And now, nandito na naman ako sa bahay nila ni Hailey. Nakaparada ang kotse ko sa hindi kalayuan. Tapat na tapat ang sikat ng araw pero nandito pa rin ako nakatayo sa likod ng isang puno.

Napatago ako nang magbukas ang gate at isang pamilyar na sasakyan ang pumasok. Inayos ko ang suot na cap at hoodie bago naglakad palapit.

"Hi." Ngumiti ako sa guard na nakausap ko noon.

"Sino ka?"

"Hindi niyo ba ako natatandaan?" tanong ko. Humawak na ako sa cap nang may narinig akong boses.

"Who is that?"

Tinikom ko ang bibig ko at inayos na lang ang suot na cap para itago ang mukha ko.

"Mukhang naliligaw lang, Ma'am Hailey."

Nakita kong tinitigan ako ni Hailey mula ulo hanggang paa bago umirap.

"Ano pang hinihintay niyo? Paalisin niyo!" inis na utos nito sa mga guard.

"Umalis na ho kayo."

Bago pa ako mahawakan ng isang guard, tinaas ko na ang kamay ko at tumalikod na. Sumulyap akong muli sa loob ngunit si Hailey pa rin ang nakita ko. Parang kinikilala ako ng mata nito kung makatitig sa'kin.

"Wait!"

I stopped. Nanatili lang akong nakatalikod. Narinig ko ang tunog ng takong nito na papalapit sa gawi ko.

"You wear a signature jacket. Sa palagay ko hindi ka pulubi."

Gusto kong matawa sa sinabi niya. Sino bang nagsabi na nanglilimos ako? Sa ganda kong 'to?

Napairap ako at tuloy-tuloy na naglakad. Pasimple akong sumilip sa likod at nakitang nakasara na ang gate. Sumakay ako sa kotse ko at frustrated na napasabunot sa buhok.

Where are you Logan? Damn it!

Ilang araw pa ang lumipas at hindi na talaga nagpakita pa si Logan sa'kin. Ni text or call wala akong nareceive mula sa kaniya. I can't even explain myself to him because I don't know he's whereabouts. Pakiramdam ko mababaliw na ako sa kakahanap sa kaniya.

"Can you give me Mr. Retri's schedule for today?" Nagulat pa si Yvan sa pagpasok ko sa opisina.

"H-he have a board meeting today. Tungkol ito sa planong pagpapagawa ng isa pang branch ng Samuel Corporation sa Bulacan."

Tumango ako. "Mr. Retri can't come. He told me na ako muna ang papalit sa kaniya. Is it okay with you?" Of course, they know that I'm not their boss anymore. Ilang araw na ba akong hindi nakakapunta dito?

"Sure, Ma'am."

Napahinga ako ng malalim at napatingin ulit kay Yvan. "Kasama ba ang LM Group of Company sa meeting?"

"Yes."

Napaisip ako nang makaupo ako sa swivel chair. Mr. Retri is out of town dahil sa sariling business nito. It's lame kung si Yvan lang ang papupuntahin ko sa meeting. Humugot ako ng isang malalim na hininga.

Pumasok muli si Yvan sa opisina at binalita sa'kin na nandoon na ang lahat sa meeting room, ako na lang ang hinihintay. I stopped myself for asking him kung nandoon din ba si Logan. Inayos ko ang suot na coat at taas noong pumasok sa loob.

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon