35; Truth Behind Plans

2.5K 61 4
                                    


Hailey, my sister is still in shock while looking at us. Lumawak ang ngisi ko habang prenteng nakaupo sa harap nilang mag-ama.

Ilang minuto pa ang nakalipas doon lang siya nakahuma sa pagkabigla. Bigla siyang napatayo giving me a dagger look.

"No! This can't be, Dad! Don't you know that this woman--"

"Stop it, Hailey. If you can't respect your sister, respect me as your father." Herman cut her off with his voice full of authority. Galit na galit na tinitignan ako ni Hailey at nagmartsa palabas.

Napangisi ako. Tumayo na rin ako at aalis na sana.

"Why don't you stay for a while? Gusto pa kitang makasama, Elizabeth."

"Ayokong magtagal dito. Nasabi ko na naman ang gusto kong sabihin." Nilagpasan ko na siya at nagtungo sa pinto.

"I am your real father, Elizabeth, whether you like it or not kukunin kita kay Ronaldo magkaharap man kami sa korte."

Kumuyom ang kamao kong nakahawak ng madiin sa bag ko. Nag-isang linya ang labi ko at hindi na lumingon pa nang lumabas ako.

"I still can't believe that you're my," Nakarinig ako ng mapangutyang tawa sa likod ko. Napalingon ako sa likod at nakita si Hailey na nakasandal sa desk ng sa tingin ko'y secretary ni Herman. "My sister."

I wear my famous smirk and face her. "Then, you have to believed now."

Naglakad na ako at pumasok sa elevator. Bago magsara ang pinto, pumasok siya habang masama pa rin ang tingin sa'kin. I held my head high while never leaving the evil smirk on my lips.

"You've plan this all, am I right?"

I looked at her, creasing my forehead. "What are you talking about?"

Gigil na nilingon niya ako habang nanliliit ang mata, tila binabasa ang tumatakbo sa isip ko. Hindi naman na siya nagsalita at nanahimik na lang. Nang bumukas ang pinto ng elevator sa groundfloor, humarap ako sa kaniya at ngumiti ng matamis.

"Bye, sis." I bid while waving my hand at her. I wanted to puke. Sis? Eww.

Hindi ko na siya nilingon pa at nagmartsa na paalis sa lugar na 'yon. Dumiretso ako sa bahay ni Maia dahil may usapan kaming magba-bar ngayon. As expected, nauna pa si Kim na magpunta dito.

"Hey, club girl." tawag ko ng pansin. Inirapan niya lang ako at nagsimula nang magpipindot sa cellphone niya. Umupo ako sa sofa at sumandal ng nakapikit ang mata.

"Pagod much?" Naramdaman kong umupo si Maia sa tabi ko. Napamulat ako ng mata. Iniisip ko kung sasabihin ko ba sa kanila ang nangyari o hindi. Sa huli, nagdesisyon akong hindi na lang.

"Wala pa ba si Mistyca?" tanong ni Kim. As if on cue, may sumigaw sa likod namin. And there she is, wearing a green turtle neck.

"Nasa ibang bansa ka?" tanong ni Kim dito. Lumapit si Misty sa amin na nakakunot ang noo.

"Anong nasa ibang bansa? Nakahithit ka ba, Kimmieña?"

Sumimangot si Kim nang marinig ang nasambit na pangalan. Pwe! Bakit kaya ganun ang pinangalan ni Tita sa kaniya. Kimmieña Icylyn.

"Buti na lang pang-mayaman 'yung pangalan na'tin." Tatawa-tawang sabi sa'kin ni Maia. Natawa ako nang parehas lumingon sila Misty at Kim sa gawi namin.

"Buti na nga lang." Nakangising segunda ko sa sinabi ni Maia Mitchelle.

Nag-stay pa kami ng ilang minuto dahil naiintriga kami sa kung ano mang tinatago ni Misty sa suot niya. Masyado kasi siyang balot na balot hindi naman tag-lamig.

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon