7; The Meeting

3.6K 82 2
                                    


Warning: SPG ahead. Read at your own risk.


R+18

________

"Miss Marie, kayo na lang po ang hinihintay sa meeting room."

"Okay, thank you." Hindi ko mapigilan na ngumiwi. Ako na lang daw ang hinihintay?

Pagbukas ko pa lang ng pinto napatingin lahat ng models sa pwesto ko. I keep my face straight and my chin high.

Anong tinitingin tingin nila? Ngayon lang ba sila nakakita ng Dyosang nalate?

"Take a sit, Miss Alvarez." Ngumiti ako ng tipid kay Tanya.

Pinatawag kami ni Tanya dahil may sasabihin daw ang Manager/boss namin.

"I gathered you all here because I want to discuss something important." panimula ng lalaking prenteng nakaupo sa dulo ng mesa.

Ano kaya 'yun? Magtatanggal na ba siya ng walang pakinabang sa mga hawak niyang model?

Sinimulan na niya ang pagdidiscuss kuno sa mga bagong rules na dapat sundin. Para iyon sa mga pabebeng model, paVIP at mga late kuno. He is looking at me while telling us the violation.

"If you disobey my rules. You're fired."

Natahimik kaming lahat sa sinabi niya. Nagdiscuss pa siya ng mga magiging schedule namin at sa ilang paparating na projects ng All's Magazine.

"That's all for today. You may leave."

Nagsitayuan na ang mga kasama ko. Lumapit si Jack sa'kin at binigay 'yung naiwan kong pouch noong pumunta ako sa kanila.

"You forgot this in my condo. Buti na lang hindi naitapon n'ong kasambahay namin." sabi nito.

"Thank you, Jack." I smile at him. Tumigas bigla ang aura niya at lalaking lalaki na tumango.

"Miss Alvarez?"

Sabay kaming napatingin ni bakla kay Logan.

"Maiwan ka muna." seryosong sabi nito.

Bumulong si bakla sa tenga ko.

"Paktay ang beauty mo, baks! Tatanggalin ka na yata ni Boss kasi lagi kang late."

Bago pa ako makasagot ay umalis na ito. Tumango naman si Tanya sa'kin at pansin kong may kakaiba sa ngiti niya. Parang nang-aasar.

Nanatili lang ako sa upuan ko nang tumayo si Logan at i-lock ang pinto. Niluwagan niya ang necktie niya bago tumingin sa'kin.

"What? Is there any problem you need to discuss with me?" tanong ko.

Lumapit siya sa dulong mesa at may kinuha sa ilalim. Pagkatapos ay naglakad siya sa harapan ko. Napatingin ako sa hinagis niya sa ibabaw ng table.

Kinuha ko ang newspaper at binasa ang article. I was shock at first dahil tungkol kay Lianne ang balita or let me say tsismis.

"She's one of your friends, right?"

Nagtatakang napaangat ang ulo ko at tinignan siya. Ito ba ang pag-uusapan namin?

"Laman siya ng balita sa kahit anong channel sa tv even on that newspaper. Kahit sa bibig ng mga tao dito siya ang pinag-uusapan."

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon