25; Meeting Him

2.8K 63 4
                                    


Lumipas ang tatlong araw na hindi naglalandas ang daan namin ni Hailey. Noong isang araw, sa isang boutique kami nagkita at kahapon ay sa Mall naman. Hindi siya makalapit sa'kin dahil alam niyang siya ang mapapahiya 'pag nagsimula ulit ng gulo. Nakuntento na lang siya sa mga masasamang tingin na ibinibigay sa'kin.

Kasama ko si Maia at Misty ngayon para bumili ng regalo. Two days from now birthday na ni Kim kaya nag-usap kaming tatlo na sabay sabay ng bumili tutal ay wala naman akong photoshoot ngayong araw.

"Bakit tahimik ka, Maia? Is something bothering you?" tanong ni Misty na napansin din pala ang pananahimik ng kasama namin.

Umiling si Maia at bahagyang tumingin sa akin. Napataas ang kilay ko nang makitang nanunuri ang mata niya.

"Maia?" Doon siya napakurap at nag-iwas ng tingin.

"I'll just go to the comfort room. Excuse me."

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Nagpatuloy kaming kumain ni Misty nang maalala ko ang panunuring tingin ni Maia sa'kin kanina.

"May nababanggit bang problema si Maia sa'yo, Misty?" baling ko sa tahimik at walang pakialam na si Misty. Nag-angat siya ng tingin at kunot noong bumaling sa akin.

"Wala naman. Bakit?"

Umiling ako.

"Baka naman nahihiya sa'kin ang babaeng 'yon." Misty flipped her hair. I can't help myself not to rolled my eyes. Kakain na sana ako ulit nang tumingin akong muli kay Misty.

"Cr lang ako." Pinunasan ko muna ang labi ko bago tumayo.

"What?! Iiwan niyo 'ko dito mag-isa?" exaggerated na tanong niya kaya napairap na naman ako ulit. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ng umiikot ang mata ko sa kaniya.

"OA lang, Misty? Para namang hindi mo kaya mag-isa kumain ng wala kami." sabi ko bago siya talikuran.

Pagpasok ko sa comfort room sakto namang kakalabas lang ni Maia sa isang cubicle. Nagulat pa siya nang makita ako bago tumuloy sa lababo at maghugas ng kamay. Hinintay ko munang maubos ang tao bago ko harapin si Maia na nakamasid lang sa akin.

"Anong iniisip mo, Maia?" baling ko sa kaniya nang makasigurong kami na lang ang tao. Huminga siya ng malalim at tinitigan ako sa salamin.

"Why didn't you fight back?" panimula niya.

"What?" Kumunot ang noo ko. Hindi ko siya magets.

"Are you planning something to Logan's wife? Kilala kita Marie pwedeng pwede mo siyang sampahan ng kaso dahil sa pananakit niya sa'yo pero wala kang ginawa."

Bumukas ang bibig ko pero tinikom din agad nang makuha ang sinasabi niya. So it's about Hailey, huh?

"Why, Marie? Kung ang isasagot mo lang ay ayaw mong palakihin pa ang gulo, hindi ako maniniwala. I know you very well, Marie Elizabeth. So tell me.."

Napangisi ako. "Kilalang kilala mo nga talaga ako, Maia. You are really my bestfriend." Natawa ako pero sinamaan lang niya ako ng tingin.

Sumandal ako sa sink at nag-crossed arms. "Yes, you're right, I am planning something."

"Marie."

"Pero hindi pa ito ang tamang panahon para sabihin ko sa'yo kung ano man ang pinaplano ko." Gusto ko munang sarilinin ang plano ko. Ayokong sabihin sa kaniya o kahit kanino na kaibigan ko dahil alam kong pipigilan nila ako. Ngayon pang napapaikot ko na sa mga palad ko si Hailey? Nah. Ayaw kong mauwi sa wala lahat ng plano ko.

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon