30; Caught

2.5K 67 5
                                    

Ilang araw na ba? Linggo na yata noong huling pumunta dito sa bahay si Logan. Hindi ko maiwasan ang masaktan. Ano bang nagawa ko? Nagsorry naman ako sa kaniya bakit galit pa rin siya?

"Marie?"

Napabalik ako sa reyalidad nang may humawak sa braso ko. Paglingon ko, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano pero sa huli pinilit ko na lang ngumiti.

"Ikaw pala, Luigi." Dapat noon ko pa iniwasan ang lalaking 'to. Eh 'di sana okay pa kami ni Logan ngayon. Ngunit, mabait si Luigi at 'yon ang hindi makita ni Logan. Naturinggan pa naman na magkapatid.

"It's good to see you here. Kamusta ka na?" Ngumiti siya ng matamis. Ewan ko ba bakit nalulungkot ako para sa kaniya. Hanggang ngayon kasi ay hindi niya ako tinitigilan sa panliligaw. Araw-araw siyang nagpapadala ng bulaklak sa condo ko at kung minsan sa trabaho.

"I'm fine. Ikaw?" It's better kung sasabihin ko na ang totoo sa kaniya. Ayaw ko siyang paasahin sa wala. Mabait na tao si Luigi at parang kapatid na ang turing ko sa kaniya.

"Luigi, can we talk?" tanong ko na tinanguan naman niya kahit nagtataka.

Sa restaurant kami malapit sa Mall pumunta. Pagkaorder namin ng pagkain, nagsimula na akong kabahan. Paano ko ba siya kakausapin? 'Yung hindi siya masasaktan?

"So.. anong pag-uusapan na'tin?"

Hindi ba siya napapagod ngumiti? Sa tuwing magkasama o di kaya tuwing nakikita ko siya lagi siyang nakangiti. Kaya paano ko siya kakausapin?

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kaniya. Okay, inhale, exhale. Kaya mo 'yan, Marie!

"I'm sorry." Napayuko ako at napapikit ng mariin.

"Sorry? B-bakit ka nagsosorry, Marie?"

"A-ayokong umasa ka Luigi, kaya itigil mo na ang panliligaw mo. I'm sorry." Napakagat labi ako, thinking of what I said is the right words. Wala akong narinig na salita sa kaniya kaya nabahala ako. Nang mag-angat ako ng tingin nagulat pa ako ng nakangiti siya sa'kin.

"You're in love with someone else, I see."

Yeah. I'm in love with someone who couldn't make me his priority.

"Ang swerte naman niya," Tumawa pa siya bago nag-iwas ng tingin.

"Luigi.." Hinawakan ko ang kamay niya. "I hope you understand. Ayaw kitang masaktan. You deserve someone better who can love you back."

Namayani ang sandaling katahimikan bago niya ito basagin.

"Kilala ko ba?" Nakikiusap na tumingin siya sa'kin. "Kilala ko ba ang lalaking dahilan kung bakit hindi mo ako kayang mahalin pabalik?"

Nahigit ko ang hininga ko nang makita ko kung paano manggilid ang luha niya. Kung sasabihin kong oo, sigurado akong magtatanong siya.

"H-hindi." sagot ko at sinabayan pa ng pag-iling at napayukong muli. Siya naman ang humawak sa kamay ko kaya napalingon ako sa kaniya.

"You don't have to lie, Marie. Tell me, kilala ko ba?"

Napalunok ako. "Luigi--"

"It's my brother, right?"

Tinambol ng kaba ang dibdib ko sa narinig. Hindi ako nagpahalata na nagulat.

"What--"

"Nevermind. I'm just kidding alam ko naman na hindi ka mai-inlove kay Logan besides, pamilyado na siya."

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon