43; Revenge

2.7K 65 12
                                    


"Okay lang ba siya?"

"Ano daw sabi ng doctor?"

"Wala naman nabali sa kaniya, 'di ba?"

"Anong nabali? Hindi naman siya tinamaan, eh. Nahimatay lang siya."

"Ano daw ang findings ng doctor?"

Mabigat ang pakiramdam na nagmulat ako ng mata. Sa una ay nasilaw ako sa tindi ng liwanang ngunit kalaunan ay nag-adjust naman ang paningin ko.

"Marie!"

I looked at my side and crease my forehead. Inilibot ko ang tingin sa paligid at naguguluhang tumingin kila Maia.

"A-anong meron? Bakit--" Unti-unting bumalik sa isipan ko ang mga alaala ko. May gumuhit na sakit sa dibdib ko. Napatingin ako sa buong katawan ko. No fracture nor injured.

"Anong nangyari?" Naguguluhan kong tanong. Paano ako napunta dito na wala man lang kagalos galos? I saw the truck! Bumangga sa'kin 'yung truck. How did it happen na wala man lang akong sakit na nararamdaman sa ano mang parte ng katawan ko? Bumalik ang kaninang sakit at takot na naramdaman ko.

"Hey, don't cry." Pag-aalo ni Luigi na nasa kabilang tabi ko. I don't know why is he here-- why are they here.

"Nakita kita kanina tumatakbo sa kabilang kalsada. The truck almost hit you, Marie. It's almost an inch nung magpreno ang driver then bigla kang nawalan ng malay." wika niya. Napaiyak akong lalo. Oo, ngayon ko pa lang naalala lahat. The truck was almost hit me kung hindi lang ito huminto tapos noon wala na akong naalala.

"She experienced shock that makes her faint and unconscious." Napalingon ako sa nagsalita. Una kong nakita ang suot nitong puting lab gown, may stethoscope na nakasabit sa leeg nito. Nang iangat ko ang mata sa mukha nito, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko.

"Marie," Narinig kong pagtawag ni Luigi sa akin. "He's not who you think he is."

"Nice meeting you again, Elizabeth. Hindi ko akalain na dito pa tayo magkikita ulit." Nakangiti niyang wika.

"K-Kevin.." Pangalan niya ang sinambit ko ngunit mukha ni Logan ang nakita ko sa isip ko. Si Logan na masaya habang kasama si Hailey.

"Marie.." Naramdaman kong niyakap ako nila Maia. Mas lalo akong napahagulgol. Ayokong umiyak lalo na't sa harap nila pero hindi ko mapigilan. Masakit, eh. Sobrang sakit.

Hindi ako iniwan nila Maia. Nagkukwentuhan lang sila habang ako tulala pa rin.

You are ruining our date..

Kumuyom ang kamao ko nang magbalik ang alaalang iyon na sinabi ni Logan. So, okay na sila ng asawa niya? Kaya ba hindi na siya nagpaparamdam sa'kin kasi bumalik na siya sa piling ng asawa niya?

Nahiga ako sa kama at tumagilid. Narinig kong bumukas ang pinto. Sunod kong narinig ang tikhim ng kung sino.

"Pwede ko bang makausap ang isa sa inyo?" It's Kevin.

"Para saan, doc?" Kim asked.

Nanatili lang akong nakatalikod sa kanila. Wala akong gana makipag-usap, wala ako sa mood.

"Is it important? Pwedeng ako na lang, D?" Narinig kong tanong ni Luigi.

"It should be one of her friends. So?"

"Ako na lang."

"Let's talked in my office, then, Miss?"

"Maia."

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon