53; I Love You Goodbye

3.5K 86 36
                                    


"Kaya mo na ba mag-isa sa loob?"

Nilingon ko si Daddy at tumango. Hinaplos niya muna ang buhok ko bago senyasan ang tauhan niya na buksan ang pinto ng van. Hinayaan ko na lang na may bodyguards akong kasama papasok ng elevator. Pagkatuntong sa top floor, sinalubong ako ni Yvan sa labas ng opisina.

"Sigurado ka bang aalis ka na?"

Tumango ako. "May pipirmahan pa ba ako?" tanong ko pagkapasok ko sa loob. Nagtungo ako sa table at naupo sa swivel chair.

"Kaunti lang naman." Ibinigay niya naman ang mga papel na kailangan ko at pinapirmahan sa akin. Pagkatapos kong pumirma ay iniligpit ko na lahat ng mga natirang gamit ko sa opisina. Nakatalikod ako sa pinto nang marinig kong bumukas ito.

"Nasa table na. Ipasa mo na lang sa HR department." wika ko sa pag-aakalang si Yvan iyon ngunit hindi pala. Nakilala ko ang boses nito kaya't napaayos ako ng tayo. Paglingon ko, sinalubong ako ng isang malakas na sampal. Sa sobrang gulat ko ay napanganga na lamang ako habang nakatingin kay Herman na galit galit.

"How can you do this to me?!"

Napaayos ako ng tayo at blangkong ngumisi lang sa kaniya. Palagay kong nabalitaan na niya ang tuluyan kong pagbenta kay Mr. Retri ng shares ko sa kumpanya.

"I never thought you could be this evil, Elizabeth. Una ay kay Hailey, at ngayon ang kumpanyang matagal kong pinaghirapan ay ibebenta mo lang ng basta basta?!"

"Ano ba, Elizabeth? Hindi pa ba sapat na nakasira ka na ng buhay ng iba?!" sigaw niya. Nakaalalay sa kaniya si Yvan.

"Why, Elizabeth? Why are you doing this? Kulang pa ba? Hindi ka pa ba masaya na nasira mo na ang buhay ng kapatid mo?!"

Kumuyom ang kamao ko. "Oo, kulang pa. Kulang pa lahat ng kasamaang ginawa ko--" Hindi ako agad nakaiwas nang sampalin niya ako. Napahawak ako sa table at doon kumuha ng suporta.

"Ang layo ng pagkakahalintulad niyo ng ina mo. Malayong malayo." Umiiling na wika niya.

"Anong gusto mo? Magpaka-anghel ako? Mamamatay muna ako bago mangyari 'yon." Mas lalong nagdilim ang mukha niya sa sinabi ko. Natahimik na lang siya at tumingala. Kinalma niya muna ang sarili at bumaling sa akin. 

"Hindi pa huli ang lahat para itama lahat ng pagkakamaling nagawa mo, Elizabeth."

"Ako lang ba ang mali dito?" Tumawa ako ng pagak at seryosong tinignan siya. "Paano ka naman, Herman? Paano 'yung maling pag-aakusa mo sa Mommy ko na may kabit siya? Kung sabagay, kahit naman itama mo lahat ng pagkakamali mo hindi na n'on maibabalik pa si Mommy."

"Yan ba ang dahilan kung bakit naging ganito ka, Elizabeth? Para maipaghiganti mo ang Mommy mo?"

Natawa ulit ako. "You got it. Ang galing." Kunwaring pumalakpak ako.

"Masaya ka na ba sa naging resulta ng paghihiganti mo?"

Matagal ko siyang tinitigan sa mata. Hindi ako naging masaya, I admit it. Kailanman ay hindi ako naging masaya sa mga pinaggagawa ko. I held my chin up.

"Actually, nakukulangan pa nga ako. Siguro magiging kontento lang ako 'pag nakita kong isa-isa na kayong naghihirap." It sounds like really, really evil. Pwede na akong pangkontrabida sa mga teleserye.

Nagmabilis ang pagtulo ng luha niya. Blangko lang akong nakatayo sa harapan niya. Hindi iniinda ang nararamdamang ngalay sa tagal ng pagkakatayo.

"I know, I know deep in my heart you are not like this. Alam kong may mabuti kang puso, Elizabeth. Nararamdaman ko 'yon kaya please lang, tama na. Kalimutan na na'tin ang nakaraan at magsimula ulit--"

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon