9; Almost Caught

3.7K 73 6
                                    

Luigi fetch me after kong pumayag sa lunch date na hiningi nito. Sa Chanteur niya ako dinala. Noong una ay mangha pa ako sa mga antique na gamit sa restaurant pero nang may mahagip ang mata ko, doon na ako nawalan ng gana. Kahit pagkain ko ay pinaglalaruan ko na lang. Iniiwasan kong mapatingin sa isang gawi.

"Nakikinig ka ba sa'kin, Marie?"

Napaangat ang ulo ko at tinignan ng nakakunot ng noo si Luigi. "May sinasabi ka?" tanong ko dito bago sumimsim ng juice.

Kumunot ang noo nito. "You seems occupy. Kanina pa ako nagkukwento dito." sabi nito kaya medyo nasamid ako.

Shit, Marie, may kasama ka!

"Something's bothering you?" he asked.

"N-nothing. Sorry, Luigi masama lang talaga ang pakiramdam ko." Pinalungkot ko ang mukha ko. Hoping na marealize niyang hindi ako interesado sa kinukwento niya.

"Oh, I'm sorry kung naabala pa kita. Ihahatid na kita sa condo mo para makapagpahinga ka." saad niya.

Why so bait, Luigi?

Kung ganyan lang si Logan baka naghubad na ako ng panty sa harapan niya. Charot lang.

"Sorry talaga, Luigi. Maybe ituloy na lang na'tin ang kwentuhan sa susunod." Ngumiti ako ng tipid sa kaniya.

"Sure. Wala naman akong masyadong ginagawa." nakangiting sagot nito.

Bago lumabas ng restaurant sumulyap pa ako sa table na nasa bandang gitna. There, I saw how Logan smile at his wife. It's genuine. Akala mo matino kung ngumiti. Akala mo walang tinatagong baho.

Napairap ako sa hangin.

Kung alam ko lang na nandito din sila eh 'di sana sa iba na lang kami pumunta ni Luigi. Nasira tuloy 'yung pagkamangha ko sa old style ng restaurant na kahit appetite ko nasira din dahil sa kasweet-an ng mag-asawa.

"Are you sure you're fine now?" tanong ni Luigi pagkatapat namin sa pintuan ng condo ko.

"Uh-hmm. Kung gusto mo samahan mo muna ako. I have a lot of movies inside. We can watch one." Ngumiti ako. Pambawi na rin sa nasira kong mood niya.

Ngumiti siya. "Sure, why not?" Dahil pumayag siya, pumasok na kami sa loob

"Feel at home." sabi ko na ikinatawa niya.

Nagbihis muna ako ng simpleng sando at shorts bago lumabas ng kwarto saka daluhan sa paghahanap ng DVD si Luigi.

"Nakapili ka na?" tanong ko.

"Hindi pa. Ang daming magagandang movies hindi ko alam kung anong uunahin na'ting panoorin."

Napakagat ako ng labi. Actually lahat ng movies ay napanood ko na kasama si Logan.

"Magluluto lang ako ng pwedeng kainin na'tin while watching." sabi ko at nagtungo na sa kusina.

Nagbake na lang ako ng cupcake at gumawa ng popcorn. Nagtimpla din ako ng juice.

"Need help?"

Napalingon ako sa bukana ng pinto. Umiling ako at ngumiti.

"Ang swerte ng mapapangasawa mo."

"Eh? Paano mo naman nasabi?" tanong ko.

"You are skilled in everything." sagot niya.

Natawa ako. So swerte na ba sa'kin si Logan? Napakagat ako ng labi dahil sa naisip. Swerte? Ni hindi nga ako ang asawa.

"Nakapili ka na ng papanoorin na'tin?" tanong ko at inilapag ang cupcake na kinuha ko sa oven. He help me cooking.

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon