58; Stalker

3.6K 78 11
                                    

Hindi ako halos nakatulog kagabi. Iyak lang ako ng iyak at kung minsan ay natutulala na lang sa kawalan. Gusto ko na umuwi pero hindi ako makalabas dahil parang preso akong ikinulong ni Logan dito.

Dinalan ako kagabi ng pagkain ng isang kasambahay ngunit hindi ko iyon pinansin. I just want to go home. Siguro nag-aalala na si Bont at ang mga anak ko. Ang paalam ko pa naman kay Manang ay saglit lang akong pupunta sa Mall kahapon.

Nagkunwari akong tulog nang marinig kong nagbukas ang pinto at ilang saglit pa, naramdaman ko ang paglubog ng kama sa gilid ko. Kahit hindi ko tignan ay alam ko kung sino ito. I hate him. I fucking hate him. Wala naman siyang mapapala sa'kin kung ikukulong niya ako dito. Si Bont na ang mahal ko, hindi na siya.

"I know you're awake."

Galit na tinignan ko siya at umupo sa kama. Halata sa mukha niya na wala siyang magandang tulog pero wala akong pake!

"Hanggang kailan mo ako ikukulong dito, Logan? Ilang beses ko bang uulitin sa'yo na hindi na ikaw ang mahal ko?" I know it's kinda harsh but, the hell I care. Iyon ang totoo at iyon ang tanggapin niya!

He heave a deep sigh and looked at other direction. Hindi ko pinansin ang nakita kong sakit na dumaloy sa mata niya dahil sa sinabi ko.

"You need to eat, Elizabeth. Ang sabi ng maids hindi mo ginagalaw ang pagkain mo--"

"I don't fucking care about the foods. I want to go home. I need to go home now!"

"You eat first, Elizabeth."

"I don't want to!"

"Then, you're not going home!" biglang sigaw niya kaya natahimik ako. "I will send you home if you eat your food first. End of discussion." Hindi na niya ako nilingon pa at nagtuloy-tuloy sa labas. Tumakbo ako para sana pigilan magsara ang pinto ngunit, nahuli na ako. He locked me again!

Damn it! Fuck you talaga Logan!

Tinitigan ko muna ang pagkain at inamoy-amoy. Mamaya may kung anong nilagay ang bwisit na lalaking 'yon. Nang kumalam ang sikmura ko hindi na ako nag-atubili pa at paunti-unting sumubo. Napaiyak ako habang ngumunguya. Namimiss ko na ang mga anak ko. Nami-miss ko na si Bont..

Hindi ko na naubos ang pagkain ko dahil sa pag-iyak ko. Muling bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae na may dalang paper bag. Yumuko ito sa harap ko at iniabot sa akin ang hawak.

"Magpalit na daw po kayo ng inyong kasuotan at aalis na daw po kayo ni Sir Logan."

Sumisinghot na kinuha ko sa kaniya ang hawak na paper bag at tinignan ang laman niyon. Isang white floral dress ang nakita ko at isang pares ng underwear. Nang iangat ko ang small size na panty biglang nag-init ang pisngi ko.

"S-sandali.." Pinigilan ko ang akmang paglabas ng kasambahay na dala ang pinagkainan ko.

"Kanino.. s-sino bumili nito?" alanganing tanong ko habang tinitignan ang prize. Umabot ng sampung libo ang halaga ng dress at underwear sa paper bag.

"Binili po yata ni Sir Logan ang mga iyan, Ma'am." sagot nito na tinanguan ko na lang. Agad akong pumasok sa banyo at nagbihis. Hindi na ako naligo pa dahil ayokong magtagal dito.

Tahimik lang kaming dalawa sa kotse habang siya nagd-drive pupunta sa sinabi kong address. Nang ihinto niya ang sasakyan sa tapat ng gate, naghanda na akong lumabas.

"Elizabeth,"

Napahigpit ang hawak ko sa seatbelt na inaalis ko pa lang.

"Hindi m-mo.. hindi mo na ba talaga ako mahal? Kahit kaunti ba wala ka ng nararamdaman pa sa'kin?" Halos pabulong na ang sinabi niya pero narinig ko pa rin ng malinaw.

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon