41; Looked a like

2.7K 49 9
                                    


Enjoy reading!

__

Nagising ako nang may kumatok sa pinto ko. Napamulat ako dahil doon at napabangon bigla. Naramdaman kong kumirot ang ulo ko.

"Ma'am?"

Napalingon ako sa hindi pamilyar na babae. Nakauniporme itong housekeeping habang dala naman sa kabilang kamay ang vacuum cleaner.

"Who are you? And why are you--" My eyes automatically roam around. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto na wala ako sa sariling condo. Memories of last night comes like a storm in my mind. Nanlaki ang mata ko at napatingin sa suot. Wala na ang suot kong shorts at T-shirt. Nakawhite long sleeve na lang ako.

"Si Logan? Nasaan siya?" tanong ko. Kumunot ang noo ng babae, tila hindi naiintindihan ang sinabi ko. Tumayo ako at akmang lalabas na nang pigilan niya ako. Bago pa siya makapagsalita, bumukas ang pinto at pumasok ang kanina ko pang gustong makita.

"Logan.." Ngumiti ako nang makita niya ako. Tinitigan niya ako at hindi ko maiwasan na mapakunot ang noo. Tinitigan ko din siya at habang patagal ng patagal ang titig ko, may napagtanto ako sa kaniyang itsura. Bakit parang nagbago ang itsura niya? Bumaba ang mata ko sa katawan niya at bumalik muli sa mukha niya.

Umatras ako habang nanlalaki ang matang nakatingin sa kaniya. "H-hindi ikaw si.. si Logan." Nanatili lang siyang hindi nagsasalita. His presence is not even familiar. Ni hindi nga tumitibok ng malakas ang puso ko hindi tulad ng dati sa tuwing nakikita ko siya.

"Who are y-you?" tanong ko dito. Nakita kong umangat ang sulok ng labi niya. His eyes was full of amusement.

"Good morning."

Imbes na batiin siya pabalik ay kinunutan ko lang siya ng noo. Ibang iba din ang boses niya at sure ako na hindi siya si Logan!

"Here's your clothes. Go change and we'll eat breakfast." Sumilay ang ngiti sa labi niya bago ako talikuran at lumabas ng silid. Napanganga ako at napatitig sa pinto.

Napalunok ako nang lumabas ako ng kwarto. Agad ko siyang nakita na nakaupo sa sofa. Nahihiyang lumapit ako sa kaniya.

"Uhh, I-I need to go. Thanks for this." Ang tinutukoy ko ay ang bagong dress na suot ko. Binilhan pa niya ako. Sabi ng housecleaner niya, puno ng suka ang suot ko. Nilinaw naman niyang siya ang nagpalit sa'kin ng damit kagabi.

Lumingon siya at tumitig sa'kin. Napalunok ulit ako dahil parehas sila ni Logan kung paano tumitig pero nakakasiguro akong hindi siya si Logan. His eyes are different from Logan's dark orb.

"Let's go."

"Ha?" Bago pa ako makapagsalita ulit ay hinawakan niya ako sa braso at kinaladkad palabas ng condo. Hindi na ako nakapagsalita pa nang itulak niya ako papasok ng kotse. Ni hindi ko nga namalayan na sumakay kami ng elevator! Nakatitig lang kasi ako sa mukha niya. Paano ba naman kasi.. kamukhang kamukha niya si Logan.

"Where do you want to eat?"

"Ha?" Lumingon ako sa gawi niya at napalunok ulit. Inayos ko ang floral dress ko bago basain ang labi ko.

"Nevermind. I know a place para mawala agad ang hangover mo."

Tumango na lang ako at tulalang napatitig na naman sa mukha niya. Kung hindi pa siya tumawa hindi ko malalaman na tinitignan pala niya ako. Nahihiyang nag-iwas ako ng tingin at napakagat ng labi.

Parang pinagbiyak na bunga talaga sila ni Logan kung titignan..

Hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako ng pinto pagkaparada niya ng kotse sa tapat ng isang restaurant. Inayos ko ang buhok kong hinahangin at hinintay siyang makalapit sa'kin.

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon