29; Threat

2.3K 71 4
                                    


The day after, naging busy na ako. Kaliwa't-kanan ang mga photoshoot ko at sa malalayong lugar pa. Two days akong nag-stay sa Zamboanga at isang araw naman sa Aurora. Nakakapagod pero enjoy naman dahil pagkatapos ng photoshoot inilibot kami sa mga iilan na tourist spot na nagustuhan ko namang puntahan.

Pabalik na kami ng Manila dahil may meeting daw. Nasabi sa akin ni Tanya noong huli kaming mag-usap na may bagong recruit na model. Hindi pa niya sinasabi sa'kin kung sino at kung babae ba o lalaki ang newbie.

Pagkarating namin sa Log's Studio. Kami na lang pala ang hinihintay. Umupo ako sa isang bakanteng upuan at binati pabalik ang mga kasamahan ko.

"Attention, please!" Mula sa mini stage, pumunta sa gitna si Miss Diana.

"I gathered you here to welcome the newbies." sabi nito at tumingin sa backstage. Inutusan nitong tawagin na ang mga bagong model.

"Girl, nakita mo na ba 'yung isang newbie?"

"Hindi pa, eh. Bakit? Gwapo ba?"

"Oo, girl! Fafable na fafable!"

Napatingin ako sa katabi kong parang sinisilihan ang pwet. Napatingin siya sa'kin at nginitian ako, I did the same. Paglingon ko sa harap, nandoon na ang mga model at nakatayo ng isang linya. Isa-isa kong tinignan ang features at katawan nila hanggang sa huminto ang mata ko sa lalaking nasa dulo.

Nakatingin ito sa'kin at nang magulat ako noong makilala kung sino siya, nasilayan ko ang ngisi sa labi niya. Napakurap ako ng ilang beses at nag-iwas ng tingin.

Anong.. Anong ginagawa niya dito?!

_

Natapos ang meeting at ang pagpapakilala sa mga bagong salta. Ni wala akong naintindihan sa meeting dahil lumilipad ang isip ko.

Ngayon ay paalis na ako dahil may usapan kami ni Tanya na sabay kaming pupunta sa Quarters para dumalaw. Hindi pa man ako nakakasakay, may pumigil na sa'kin at sapilitan akong kinaladkad palayo sa kotse ko. Sa pagkagulat ay hindi ako nakapagreklamo.

"Eliza.."

Doon pa lang ako natauhan nang may yumakap sa'kin.

"I missed you."

"Ano ba! Lumayo ka nga sa'kin!" Pilit akong kumakalas ngunit mas hinihigpitan niya ang pagkakayakap niya sa'kin. Tinapakan ko ang paa niya dahilan para makalayo ako sa kaniya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "What the fuck, Celestino?!" Napatingin ako sa paligid. Dinala niya pala ako sa gilid ng Studio.

"Eliza--"

"Don't.You.Dare." mariin ko siyang binalaan.

"Don't you miss me, honey? C'mon, give me a hug, please?"

Hindi ko ginawa ang sinabi niya. Ano siya nahihibang?

"Why are you here?! Hindi ba't sinabi ko na sa'yong huwag mo akong susundan pa!"

"Why would I do that? Bakit Eliza, ayaw mo na ba sa'kin? May iba ka na ba?" Nag-igting ang panga niya. Hinawakan niya ako sa braso at ikinulong ulit sa kaniyang bisig.

"Let go of me. Ano ba, Celestino?!" Nagpumiglas ako. "Nababaliw ka na." napaghihintakutang sabi ko bago lumayo sa kaniya. Akmang lalapit siya nang sinamaan ko siya ng tingin.

"Isa pang lapit, ipapakulong na kita!"

Doon siya natigilan at napangisi na lang. Umiling ako at tumakbo paalis. Agad akong sumakay sa kotse at pinaharurot 'yon paalis. Nanginginig ang kamay ko at hindi ko alam kung saan ako pupunta.

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon