48; Mistress' revelation

2.8K 66 6
                                    


Antok na umupo ako sa couch at naghikab. Kinuha ko ang phone ko at nagtipa doon. Ilang saglit pa nag-ring na ang phone ko.

"What's the update?" tanong ko sa kabilang linya.

"Going well like you wanted to."

I smiled. "Hindi ka naman ba ginugulo ng mag-ina?" Binuhay ko ang TV at nagpalipat-lipat sa ibang channel.

"Hindi naman. Mukhang tanggap na nilang talo sila. Oo nga pala, Marie," Huminto ang paglipat ko ng channel sa isang balita. "Usap-usapan may gaganapin na okasyon sa mansion ng mga Samuel. Do you know about this thing?"

"Yeah." Tumango ako kahit hindi nakikita. "I'll call you back later. Email mo na lang sa'kin lahat ng report."

"Alright. Bye, Marie."

"Bye, Cine." Pinatay ko na ang tawag at pinokus ang sarili sa panonood ng balita. Napangisi ako nang ianunsyo ng reporter na may salu-salo na magaganap sa mansyon ng mga Samuel sa susunod na araw. Pinatay ko ang TV at tinawagan si Celeste.

"Make an appointment to Ms. Suada of AdEle Seduction. Magpapagawa ako ng gown." Hindi ko na siya hinintay na sumagot pa at pinatay na lang ang tawag dahil inaantok na naman ako. Pinwesto ko ang sarili sa couch at pumikit.

Nagising ako nang may maamoy akong mabaho. Agad bumaligtad ang sikmura ko at napatakbo sa kusina para sumuka. Inis na nilingon ko si Kim at tinanong kung ano 'yung niluluto niya.

"Tinola."

Nagsuka na naman ako nang maamoy ko ang ginisa niyang sibuyas. Tinakpan ko ang ilong ko at lumabas ng kusina. Nagtungo ako sa kama at napaupo sa kama. Medyo nahihilo ako siguro dahil halos wala akong tulog noong mga nagdaang araw.

Isang linggo na yata akong hindi lumalabas ng condo. 'Yun ang payo ng superior ng Mistress Organization. Hindi na ako na gulat nung malaman kong nakaban na ako sa Org. Kabilin-bilinan ni Miss Ortigas na ibabalik niya ako ulit 'pag okay na ang lahat. Means, no issue. Pakiramdam ko matagal akong mababan sa Org. dahil sa gagawin ko.

Halos pitong araw na akong hindi nagpapakita sa kanila kahit sa company ay hindi ako pumapasok. Mabuti na lang at may pinsan akong maasahan ko. Siya muna ang pinahawak ko ng SC pansamantala hangga't hindi pa nag-iiba ang ihip ng hangin sa'kin. The media are still on me. Bantay sarado ako kahit sa labas kaya hindi ko magawang pumunta sa mga gusto kong puntahan. Advice na rin sa'kin nila Tanya na huwag muna akong magpapakita ni isa sa mga reporter na naghihintay pa rin sa'kin sa labas ng building. Mas humigpit ang seguridad ng condominium na ito dahil sa pakiusap ko at nagpapasalamat ako doon.

Lumipas ang isang araw na wala ako halos ginawa kundi matulog, matulog at matulog. Nakabawi na ako ng tulog pero feel ko kulang pa rin. Lately ay napapansin kong medyo nagkakafats na ang belly ko kahit wala naman akong halos kinakain. Lahat kasi ng niluluto nila Kim o kaya ni Manang ay hindi ko gusto. Madalas bumisita ang dalawang iyon dito. Si Maia ay madalang na lang siguro ay dahil busy siya.

And about Misty.. last na pag-uusap namin ay 'yung nalaman ko ang tinatago niya. Pagkatapos n'on ay wala na akong balita. Duh. Ano namang pake ko? Niloko niya ako. Trinaydor. Dapat nga magpasalamat pa ang babaeng 'yon dahil hindi ko pa sinasabi kila Maia ang tungkol sa kaniya.

Tumawag si Celeste at sinabing pupuntahan na lang daw ako ni Suada sa condo para ihatid ang gown na pinagawa ko. At first hindi ako makapaniwala pero nung tawagan ako ni Suada ay nakompirma kong hindi nagsisinungaling si Celeste. Ngayon nga ay nakaupo siya sa couch ko at nililibot ang tingin sa buong sala.

"Your place is cool. I like the theme."

"Thank you." Ngumiti ako sa kaniya. Nagkamustahan lang kami at hindi maiwasan na pag-usapan ang nangyari. Akala ko nga ay kamumuhian niya ako dahil isa akong dakilang kabit ng pinsan niya pero nagulat pa ako nang suportahan niya ako at palakasin pa ang loob.

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon