14; Enemy's Kindness

2.8K 71 13
                                    

Simula nang double date kuno na nangyari few days ago, hindi na nagpakita pa si Logan sa akin. Nag-iingat ako na hindi siya tawagan dahil for sure magkasama sila ni Hailey. Nakuwento sa akin ni Tanya na may inaasikasong importanteng bagay ang dalawa. I wonder what it is.

Bumangon ako sa pagkakahiga ko sa kama. Wala akong schedule ngayon kaya matatawag ko na rin 'tong araw na 'to as rest day. And to be honest, nabuburo na ako dito sa condo. 9am pa lang pero nabobored na ako.

I took a glance at my phone. Is he really that busy? Ano bang inaasikaso nila?

Napatayo ako agad nang marinig ang doorbell na tumunog. I immediately run towards to the door and open it quickly. Unti-unting nawala ang ngiti ko nang makita ang tatlong kaibigan ko na nakangiti sa akin.

"Oh, disappointed? May inaasahan ka bang bisita bukod sa amin?" tanong ni Misty. Niluwagan ko ang pinto pagkatapos ko silang ilingan. Disappointed? Kinda. Akala ko kasi si Logan na.

"Omg, Marie. Did you already forget our plan for today?"

Napaisip ako sa sinabi ni Misty at kalaunan ay napatampal sa noo. Oo nga pala may lakad kami.

"I'll just get dress." sabi ko at nagtatakbo patungo sa kwarto ko. Mabilis akong nagbihis at nag-ayos tutal naligo na ako kanina after workout.

"Do you remember, Isaiah? He is courting me now!" Misty exclaimed. Napatingin kaming tatlo sa kaniya.

"Yung guy na pinakilala mo sa amin the last time we go to a bar?" tanong ni Kim.

"Yes! Ano, girls? Sasagutin ko na ba?" Parang bulati na kumembot siya. Napailing ako.

"Agad agad? Ilang months na ba nanliligaw sa'yo?" tanong ko.

"Hmm. Two weeks pa lang, eh."

"Two weeks pa lang? Tapos gusto mo ng sagutin?" Maia blurted.

"Why? Is there something wrong with that? Wait," Misty crossed her arms. "Don't tell me gusto mo rin gawin ko 'yung ginagawa mo?"

"Ha? Anong ginagawa ko?"

"Nagpapakipot. You are doing that thing to Austine, 'di ba? You are nagpapakipot pa. "

Napabuga ako ng hangin. Away na naman ba 'to?

"Stop it baka kung saan pa mapunta ang pinag-uusapan niyo. Let's just find a restaurant kasi nagugutom na ako." Napairap ako sa kanila at naunang maglakad.

Kakabati lang nila, tapos mag-aaway sila ulit? Wala ba silang konsiderasyon man lang? Hindi para sa kanila kundi para sa amin ni Kim? Kami ang nahihirapan 'pag nag-aaway sila.

"So, ano nga? Sasagutin ko na ba si Isaiah? What do you think, guys?"

Napailing ako. Ibinaba ko muna ang baso ng juice na hawak ko bago balingan si Misty.

"If that Isaiah is really serious about you and you have feelings for him too, why not?" sabi ko. "Just make sure na hindi siya katulad ni Yvan na iiwan ka rin sa huli."

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon