50; Broken Pieces

3K 69 5
                                    


Inilapag ni Maia sa bed side table ang dala niyang isang basket na prutas. Umupo siya sa tabi ko at hinagod ang likod ko.

"I'm sorry. Kung tumuloy lang ako sa pagpunta sa condo mo hindi mangyayari 'to."

I looked at the other side. Naramdaman ko ang pagtayo niya at ilang saglit pa binigyan niya ako ng mansanas na binalatan pa niya. I just stared at it.

"Hindi ka pa daw kumakain simula kanina. Heto, kahit ito lang kainin mo, Marie."

Nanatili lang ang titig ko sa kalahating mansanas na hawak niya. It's almost 3 in the afternoon yet I'm still here at the hospital. Hindi pa ako pinauwi ng doctor after what happened. I wanted to go home kasi naaalala ko lahat ng nangyari kanina.  The pain I am feeling right now is unbearable. Parang gusto ko na lang matulog ng matulog hanggang sa hindi na ako magising pa sa bangungot na ito.

"I asked Austine about Hailey." Hindi ako tumingin sa kaniya pero nanatiling aktibo ang tenga ko sa sasabihin niya. "He told me she's okay now. Kasalukuyan siyang nasa Dabrika Hospital for her recovery. Hindi naman daw malala iyong natamo niya."

Kumuyom ang kamao ko dahil sa narinig at nahiga na lang sa kama. Inayos niya naman ang kumot ko. Nakatitig lang ako sa kawalan habang inaalala ang nangyari kanina. Muling tumulo ang luha sa mata ko. It fucking hurts. Pakiramdam ko namatay rin ako nung mawala siya. Bakit naman gan'on?

"Masakit tanggapin ang nangyari pero Marie, you need to continue living."

Tanggapin? Kaya ko bang tanggapin lahat ng nangyari? I guess not. Walang papantay ang sakit na nararamdaman ko ngayon. I don't think I can just accept it without breaking every piece of me.

Pumikit ako ng mariin at tahimik na napaiyak. Ilang oras na ba akong umiiyak? Ang hirap kasing tanggapin na hanggang dito na lang. Wala ng masayang katapusan ang buhay ko katulad sa mga fantasy novel na nababasa ko. Who I am kidding, anyway? Real life doesn't have a happy ending though.

Nanatili akong gising at nakapikit lang hanggang sa nagpaalam na si Maia. Muling bumukas ang pinto ilang minuto lang ang nakakaraan simula nung lumabas si Maia. Akala ko isa lang sa mga kaibigan ko o kaya ay doctor, hindi pala.

"Face me, Elizabeth. I know you're awake."

Pumikit ako ng mariin. "Are you here to confront me? Please, Herman, pwede sa ibang araw na lang?" I pleaded.

"Elizabeth."

Bumangon ako at masama siyang tinignan. Naputol ang pagtitig ko sa kaniya nang bumukas ang pinto at pumasok si Kevin. Nagulat pa ito nang makita ang kasama ko ngunit, nagpaalam din sa huli.

"How is she? Balita ko hindi malala iyong nangyari sa anak mo? Sayang naman at hindi siya napuruhan."

Saglit na rumehistro ang gulat sa mata niya at ilang saglit pa napalitan ito ng pagkamuhi. Tumaas ang kanang kamay niya sa ere at handa nang palaparin ang palad niya sa pisngi ko nang magsalita ako.

"Sasaktan mo ako? Sige lang, saktan mo ako."

Kumuyom ang kamao niya at ibinaba din sa huli. Nanatiling walang reaksyon ang mukha ko habang nakikipagtitigan sa kaniya.

Siya ang unang umiwas. "Bakit naging ganito ka kasama, Elizabeth? Bakit kailangan humantong pa sa ganito?" pagdadrama niya. "Sa pagkakakilala ko sa iyong ina, mabait naman siyang tao. Bakit, bakit ikaw.." Hindi na nito tinuloy ang susunod na sasabihin at umiling na lamang. Tumaas ang kilay ko at pinigilan ang sariling hindi mapatawa dahil sa sinabi niya. Umusbong ang galit ko at tinitigan siya sa matang kaparehas ng sa akin.

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon