36; In exchange of..

2.5K 60 2
                                    


The witch wife really triggered my nerves. I attend work today just to heard the news..

"Please welcome, Hailey Samuel-McFord, our new boss!"

Lahat ay nagpalakpakan pwera sa'kin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na may bago ng boss ang All's Magazine. What is she up to, anyway? Talagang pati pagiging boss inangkin niya na.

"Thank you for your warm welcome. Your kindness and friendliness is a heart warming." nakangiting wika niya, or more like nakangisi kasi nakatingin siya sa gawi ko.

They plan to throw a big party for the new boss. All employees are invited. Sa isang resto bar gaganapin ang party mamaya.

"Excited na ako para mamaya! Ang ganda talaga ng asawa ni boss Logan, ano?"

"Sinabi mo pa, saka matalino daw 'yon."

"Talaga ba? Kaya siguro nagustuhan ni boss kasi nesekenye ne eng lehet."

Napairap ako nang parehas silang tumawa. Nakakairita. Kanina pa nila pinagkukwentuhan ang babaeng 'yon. Half an hour na matapos i-announce na may bagong boss kami and after that, back to work na ulit. Tapos eto pa.. halos lahat ng mga kasama ko sa tent si Hailey ang bukambibig.

"Charmee! Aayusan mo ba ako o hindi?" inis na sigaw ko at sinamaan sila ng tingin.

"Eto naman, selos agad. Ikaw pa rin pinakamaganda sa lahat." Natatawang wika ng make-up artist ko bago lumapit sa'kin. Hinanda naman ni Celeste ang susuotin ko para sa unang photoshoot.

"Hindi ko kailangan ng bola mo." Inirapan ko siya at naupo na sa harap ng salamin. Tinawanan niya na lang ako at sinimulan na akong make-up-an.

Ano nga kayang dahilan ng babaeng 'yon at napagdesisyunan na pamahalaan ang All's Magazine? Kung ang dahilan lang ay dahil hindi na kaya ni Logan hawakan pa ang kumpanya dahil priority nito ang family's company nila, hindi ako maniniwala. I know she has a deep reason. Kung ano man ang dahilan na 'yon ay hindi ko alam. At iyon ang gusto kong alamin.

Pagkatapos ng work ko ay agad akong umuwi sa condo. I don't have a plan to go there. Para ano, makipagplastikan sa babaeng 'yon? Nah. Wag na lang.

Dahil sa half day lang ang trabaho ko dahil sa pa-party ng bagong boss, maaga kaming pinauwi para magpahinga. At ngayon nga na nabo-bored ako, naisipan kong maglakad lakad sa park malapit lang sa condo.

I wear my disguise in case lang. Mainit pa rin ako sa tao, ramdam ko bawat galaw ko minamatyagan nila. Isa pa itong mga bodyguards ni Daddy. Noong malaman ni Daddy na tinakasan ko mga bodyguards niya, mas lalong naghigpit.

Nakalabas na ako sa building nang mapahinto ako. Umikot ang mata ko sa dami ng bodyguards na nakasunod sa'kin.

"Can you guys move a lil' far from me? Hindi ako mawawala." sarcastic na sabi ko. Isa-isa naman silang nagsilayuan pero sakto lang para mamatyagan ako. Nagsimula na akong maglakad. Walking distance lang naman ang park at ilang beses na rin akong tumatambay doon sa tuwing bored ako.

Kahit na nakadisguise ako, hindi pa rin maiwasan ng mga nakakasalubong ko na mapatingin sa'kin. Bakit? Limang malalaking tao ba naman ang nakabuntot sa'kin.

Ghaaaaad. Hindi nga ako makikilala sa suot ko pero agaw atensyon naman itong mga goons sa likuran ko. Kalaunan ay hinayaan ko na lang.

"Manong, pabili ako." Nginitian ko ang suki kong nagtitinda ng Ice Cream.

"Aba-- nakabagong disguise na naman tayo, ah?"

Ngumisi lang ako sa kaniya at nag-abot ng 500 pesos. Iiling-iling siya nang hindi ko tanggapin ang sukli.

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon