16; Out of Town

2.7K 79 5
                                    

Warning: SPG parts ahead.

__

"Okay ka lang, hija?"

Saglit kong inangat ang ulo ko para tignan ang Lola ni Luigi at tumango.

"Okay lang po, Madame." I said. Lumapit si Grandma sa kinauupuan ko at hinagod ang likod ko. She smile at me sweetly.

"It's about Luigi's mother, right? Tell me what did she said to you."

Bahagya akong nagulat. Paano niya nalaman ang laman ng isip ko?

"Tell me, hija."

Napaiwas ako ng tingin sa matanda. Sasabihin ko ba? Pero.. mother-in-law siya ng Mama ni Luigi. What if sabihin niya--

"You can trust me."

Tila nabasa ng matanda ang pag-aalinlangan sa mukha ko. Huminga ako ng malalim.

"Wala lang po 'yon, 'La. She just told me na alagaan at pasayahin ko ang anak niya."

I lied.

Tumitig sa mata ko ang matanda kaya't ngumiti na lang ako at tumayo. Nandito ako sa garden habang hinihintay si Luigi. Kasama kasi nito ang Tito niya at hindi ko alam kung saan sila nagpunta.

"Uhm, hahanapin ko lang po si Luigi." paalam ko. Sinusundan niya lang ang bawat galaw ko kaya medyo nailang ako.

"Kausap ni Mauro ang apo ko. Samahan mo muna akong maglakad-lakad sa labas ng mansion if you don't mind, hija?"

Ngumiti ako at tumango lang. Inalalayan ko ang matanda na tumayo at isinabit ang isa niyang braso sa akin.

Naalala ko si Lola sa kaniya, my grandmother on my Father's side. Ganito rin siya kahinhin magsalita. Kamusta na kaya sila ni Lolo sa Nueva Ecija?

"Tell me about yourself, hija, para makilala kita lalo."

Binasa ko ang labi ko at nag-isip ng sasabihin. As long as I want to tell her about who I am and what kind of life I have, hindi pwede. Not everything is meant for everybody to know. I understand that everyone has a story to tell, I just wish they would understand that not everyone needs to be told.

"Can we skip that, Madame? But I promise, I will tell you the other time." I smile at her.

"Why not now? May tinatago ka ba?"

Natigilan ako nang may magsalita sa likod namin. Lilingon na sana ako nang makita ko si Hailey sa gilid ko. Lumapit siya kay Grandma at kinuha sa akin ang kamay ng matanda.

"La, Loui is searching for you kanina pa." Nakangiting sabi ng plastic na kaharap ko.

"Oh, I forgot!" Tumingin ang matanda sa akin at ngumiti. "I need to go, hija. Nangako ako sa apo kong manonood kami ng paborito niyang spongebob squarepants bago matulog."

Tumango ako at ngumiti nang bahagyang natawa ang matanda. Hindi nakalagpas sa paningin ko ang pag-ikot ng mata ni Hailey bago sumunod kay Grandma na naunang naglalakad.

Sinipa ko ang nakita kong bato at napilitan na lang bumalik sa mansion. Pagdating ko doon saktong nakita ko si Luigi na kakalabas lang ng pinto.

"Luigi!" Nang lumingon ang lalaki itinaas ko ang kamay ko at kumaway. Lumapit siya sa akin at ngumiti.

"Ready ka na?"

"Aalis na tayo?" tanong ko.

"Why? Gusto mo bang dito na lang tumira?" Ngumisi siya. "Actually, pwedeng pwede ka naman dito basta pakasalan mo muna ako."

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon