22; Backfire

2.5K 68 3
                                    


Pababa na ako ng hagdan nang tawagin ako ni Manang Silvia. She told me I have a visitor waiting for me outside. Confused, I begun to walk towards the door just to see someone I barely know.

"Marie."

"What are you doing here?" Bumaling ako kay Manang at sinabing ako na ang bahala dito. Tumango naman ang matanda at nagtungo sa kusina.

"Pinapaalalahanan lang kita sa deal na'tin. Malay ko bang nakalimutan mo na." He smirked. Asshole.

I rolled my eyes. "Of course I wouldn't forget. I'm true to my words, Gil. You don't need to go up here and remind me. Paano kung may makakita sa'yo?!"

Nagtaas ito ng kamay, "Chill, Marie, masyadong mainit ang ulo mo. Aalis na ako, basta 'yung usapan na'tin or else.." Makahulugan siyang ngumiti.

"I've take note of that don't worry." Umirap ako bago isara ang pinto.

Nagtungo ako sa kusina at kumain muna ng breakfast before going back again to my room to get dress. Today is my Mom's 10th death anniversary at plano kong dalawin siya. Nagleave ako ng isang araw para kay Mommy.

Nagpa-bili ako kay Celeste ng favorite flowers ni Mommy. Dumaan muna ako sa restaurant kung saan siya nagpa-part time job at kinuha ang flowers and candles. Ilang minuto lang nakarating na ako sa White Angel's Memorial. Huminto ako at ibinaba ang hawak sa ibabaw ng lapida niya.

"Mom.." Hinaplos ko ang malamig niyang lapida at malungkot na ngumiti. Napansin ko ang isang punpon ng puting rosas sa tabi kaya napakunot ako ng noo. Kainino ito galing?

Hindi ko na lang pinansin iyon at kinausap na lang si Mommy. Alam kong kahit magsalita ako at kausapin siya, hindi niya ako masasagot pabalik. But I know very well na nasa tabi ko lang siya at ginagabayan ako.

"My, miss na miss na po kita.." Tuluyan ng tumulo ang luha ko habang inaalala ang masasayang araw namin noon nung nabubuhay pa siya.

Nag-alay ako ng taimtim na panalangin at nagpalipas pa ng ilang minuto bago napagpasyahang tumayo na. Bago pa ako makahakbang palayo nakita ko ang pagdating ng isang taong hindi ko inaasahan na makikita ngayong araw.

"Anak.." Lumapit siya at huminto sa harapan ko. Kasunod naman niya sa likod ang mga tauhan at ilang bodyguards niya.

Nag-iwas ako ng tingin. "Anong ginagawa mo dito? Hindi ka pa ba kinakain ng konsensya mo at may lakas ka pa ng loob na magpunta sa puntod ng Mommy ko?" Kumuyom ang kamao ko. Nilingon ko siya at bakas sa mukha niya ang pagkagulat sa sinabi ko ngunit napalitan iyon kaagad ng sakit at lungkot.

"I see. Hindi mo pa ako napapatawad--"

I sarcastically laugh at what he said. "You think so?" I held my chin high and looked at his eyes. "Hindi kita mapapatawad kahit na lumuhod ka pa sa harapan ko. You've caused damage to me. Nang dahil sa'yo nawalan ako ng ina." Nilagpasan ko siya.

"Your father and I met last week." Doon ako napahinto sa paglalakad at nilingon siya ng nakakunot ang noo. "I told him about your existence."

Nag-isang linya ang mga labi ko at hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sinabi niya. Nanatili akong tahimik habang pinagmamasdan siyang sinisindihan ang kandilang hawak niya. Inilapag niya ang hawak na bulaklak at nagpatuloy sa pagsasalita.

"He was upset to me for not telling him-- for hiding the truth. He wants to get you pero hindi ako pumayag. Anak kita, sa akin ka lumaki kahit na malayo ang loob mo sa akin. I know if your Mom is still alive, she will be mad at me because of being selfish I am pero alam kong ganun din ang gagawin niya. She won't let your father get you." Nakatitig siya sa lapida ni Mommy.

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon