10; Befriend of His Friends

3.4K 81 4
                                    


I went in the bar with Misty and Maia. Ilang araw na kasi kaming hindi nagkakasamang magkakaibigan. Lagi naman kaming nag-uusap 'pag nasa Quarters ni Kim.

"I miss clubbing." nakangising saad ni Misty.

"Yeah. Mga busy kasi kayo lagi." Umiirap na sabi naman ni Maia. They are now in good terms. No hate, no fight.

"Nagsalita ang hindi busy." Inirapan ko siya. "Maluwag na ang schedule ko ngayon."

"Oh, congrats! Akala ko may balak kang punuin lahat ng billboard sa Manila, e."

Tumaas ang kilay ko. "Excuse me? Kahit nga ako ayaw kong nakakalat ang mukha ko kung saan-saan." sagot ko kay Maia.

"Then why did you enter modeling?" asked Misty.

Napaisip ako. Bakit nga ba? Bago pa ako makasagot ay may nahagip na ang mata ko.

It's Logan and his friends.

Pasimple kong siniko si Maia at i-nginuso ang table nila Logan na puro mga babae ang kasama.

"Wala akong paki sa lalaking 'yan."

I almost laugh. "Ano ka ba, girl. Napaghahalataan ka. Hindi naman si Austin ang tinuturo ko."

Mukhang napahiya siya sa sinabi ko kaya mas lalo akong natawa. Kunot ang noo naman ni Misty habang nakatingin sa amin tila naguguluhan sa kung anong pinag-uusapan namin.

"Why so tagal ni Kim?" tanong ni Misty. I took a glance at my phone kung may text ba si Kim or tawag pero wala.

Ano kayang nangyari sa babaeng 'yon?

"Maia!"

Here we go..

Lumapit si Austin sa kaibigan ko at nakipagkumustahan. Hindi kami close ng mga kaibigan ni Logan pero kilala ko sila.

"You can join us." nakangiting sabi ni Austin.

"Uh, no thanks. I'm with my friends."

Doon lang yata kami napansin ni Austin. Ngumiti ang lalaki sa amin at nagpakilala. Niyaya kami nitong doon na lang sa table nila kami umupo. As a mistress, dapat akong tumanggi dahil makakasama ko si Logan sa iisang table but on the second thought, bakit hindi? Si Maia lang naman ang may alam ng sikretong relasyon namin ni Logan.

Pagdating namin sa table pinaalis ni Watson ang mga babae sa tabi nila. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang walang katabi na babae si Logan. Mabuti na lang. I can't imagine myself killing a bitch tonight.

"This is Maia, uh.. you know." Si Maia ang unang pinakilala ni Austin. Dahil sa sinabi nito, kinantyawan siya ng mga kaibigan niya.

"Hi. Uhm.. I'm with my friends. You guys don't mind if we sit here?" alanganing tanong ni Maia na bahagyang sumulyap sa akin.

"Of course. You are all welcome here." Kumindat sa gawi ko ang nagsalita na si Richie. Keme akong ngumiti at umupo sa tabi ni Maia. Nasa dulo si Misty at sa kabilang tabi ko naman ay si Logan na tahimik lang.

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon