5; Mistress role

4.7K 98 2
                                    

Nagpadeliver ako ng dinner dito sa cabin na inarkila ko kanina. Masarap kasi ang hangin dito tapos malapit pa sa dalamapasigan.

Inabot kami ng alas sais kanina sa kama. Napangisi ako ng maalalang hindi niya ako tinigilan hanggang sa gumabi na. Walang kapaguran ang lolo niyo! Dalawang oras ba naman? Langya wasak na wasak ang bataan.

Natawa ako sa naisip ko. Medyo hindi nga ako makalakad ng maayos ngayon dahil masakit pa din 'yung baba ko. Tinakpan ko na lang muna ang mga pagkain na pinadeliver ko dahil tulog pa si Logan hanggang ngayon. Akala ko hindi na siya titigil kanina, eh.

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong gumalaw ang katabi ko. Nagmulat ako ng mata at napatingin kay Logan na pumasok sa cr. Bumangon ako at sinuklay ang nagulong buhok ko. Ilang saglit pa lumabas si Logan sa cr na bihis na. Tinignan ko ang oras sa cellpone ko.

"Aalis ka na? Alas tres pa lang ng madaling araw, Logan." medyo paos na sabi ko. Inaantok pa kasi ako.

"I shouldn't slept here. Walang kasama ang asawa ko."

Aray! Sakit naman n'on.

"Nagpadeliver ako ng dinner kagabi kaso tulog ka na. Kumain ka muna--"

"No. Hindi na. Aalis na ako."

Bagsak ang balikat na sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng cabin.

-

"Hailey, I already told you I saw one of my business parter yesterday."

"Bakit hindi ka man lang tumawag sa'kin? Pinaghintay mo ako, Logan!"

"I'm sorry. Nakalimutan ko 'yung phone ko--"

"Liar!"

Napahilamos ng mukha ang lalaki. Tila sumusuko na sa pagsuyo sa kaniyang asawa.

I smirked. Sumimsim ako ng wine habang nakataas ang kilay sa direksyon nila Logan at ng asawa niya. Little did she know, nasa akin ang asawa niya buong gabi, nagpapakasarap.

"Damn, Hailey! Why can't you believe me?!" Tumayo si Logan at nagmartsa palayo.

"Logan, come back here!" sigaw ni Hailey at nagpapadyak. Napapatingin sa kaniya ang ibang dumadaan at kumakain.

Napangisi ako at tumayo na. Hindi sinundan ni Hailey ang asawa kaya ako na lang ang susunod. Natagpuan ko si Logan sa isang bench. Mag-isa lang ito habang nakatingin sa malawak na dagat.

"Ang ganda dito sa Boracay, 'no?" Umupo ako sa bench ilang layo ang pagitan sa kaniya. "Bakit mag-isa ka lang? Nasaan ang asawa mo?" tanong ko at pasimpleng pinagmasdan siya sa sulok ng mata ko.

"Base sa reaksyon mo, may hindi magandang nangyari sa inyo. Nag-away kayo?"

Obviously, Marie. Ikaw pa nga ang may kasalanan.

Nilingon niya ako at tinitigan bago bumuga ng hangin. Alam kong hindi niya ako malalapitan lalo na ngayon na madaming tao sa paligid.

"She's being a brat again. Fuck!" wika nito. Halos magkasalubong na ang ang mga kilay nito sa inis.

"Relax. I know a place para lumamig ang ulo mo." Lumingon ako sa gawi niya. "You want to play billiards? Alam ko kung saan meron ng paborito mong laro." sabi ko. Hoping na pumayag siya.

"Lead the way." pagsang-ayon niya kaya napangisi ako.

"Okay." Tumayo na ako at naunang maglakad.

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon