12; Play Safe

3K 73 4
                                    


Katulad ng mga nagdaang araw nanatili lang ako sa condo ko. Sinabi ko kay Celeste na i-cancel lahat ng photoshoots ko at sabihing may sakit ako.

Bumisita si Tanya rito kahapon, binalitaan ako sa inaayos ni Logan na issue. Sabi ni Tanya kahapon ay ngayon magaganap ang press conference ukol nga sa issue namin ni Logan.

Masama ang loob ko dahil hanggang ngayon wala pa ring Logan na nag-a-update sa akin. Ni hindi nga niya sinabi sa akin na may magaganap na press conference.

Nakatunganga ako sa harap ng flat screen kong TV habang hinihintay na umere ang press conference ni Logan. Kinakabahan ako. Wala pa naman akong natatanggap na threats or ano sa asawa ni Logan. Siguro hindi ako nakilala sa picture kaya walang nagdi-dm sa akin at nagbabato ng mga bash.

Napaayos ako ng upo nang magsimula na ang conference. Present si Hailey na nasa tabi ni Logan at pokerface lang ang pinapakitang reaksiyon. Nagsimulang magtanong ang ilang press tungkol sa issue na may babae si Logan.

"Yes, ako ang lalaki sa picture."

Napalunok ako habang nakikinig sa pag-amin ni Logan ng katotohanan. Ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kabang nararamdaman. Ilalaglag ba niya ako? Akala ko ba aayusin niya? Bakit siya umaamin?!

"Would you tell us who is the woman you are kissing, Mr. McFord?" tanong ng babaeng press.

Mas dumoble ang kaba na nararamdaman ko nang mapatitig si Logan sa isa sa mga camera na nakatutok sa kaniya. He is like.. staring at me intently. Para bang nakikita niya ako harap-harapan.

"The woman is one of my secret admirer. She's a stalker actually and I never knew that at first. While heading back to my home, I accidentally bumped her with my car. I suggest na dalhin siya sa Hospital kasi hindi siya makalakad at pumayag naman siya," Tinignan niya ang asawa niyang tahimik lang sa tabihan niya bago bumaling sa isang camera na nakatutok sa kaniya sa harapan. "I never expected na hahalikan niya ako. Ang sabi niya 'pag hindi ako pumayag sa gusto niya, magpapakamatay siya. It was just an act. Planado niya ang nangyari."


Umingay bigla ang hall. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano sa mga isiniwalat niyang kasinungalingan. But who knows what's really happen?

"One of my sources pointing their finger to one of your talent models. Totoo bang isa sa mga hawak mo na babaeng model ang sinasabi mong stalker mo?"

"Yes." tipid na sagot ng lalaki.

"Would you tell us her name?"

Dumoble ang kaba sa dibdib ko. Nakatitig lang ako kay Logan na seryoso at hindi mabasa ang mukha. Anong palusot na sasabihin mo, Logan?

"She's Catya Beverley."

Lumabas ang isang babae habang nasa likod nito ang ilang men in black ni Logan. Nakayuko ang ulo ng babae habang may takip na kapiranggot na tela ang mukha. Muling umingay ang hall at sari-saring ilaw mula sa iba't-ibang camera ang nag-flash. Napasandal ako sa upuan ko. Parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan.

The girl is sobbing. Nang binanggit ni Logan ang pangalan ng babae, nagulat ako at nagtaka. I kinda know Catya a lil' bit. Nakasama ko na siya minsan sa photoshoot pero hindi kami gaanong nag-uusap. Anong ginawa ni Logan—no, paano niya napapayag si Catya na magsilbing ako? Pera? Binayaran ba siya ni Logan para umarte na siya ang nasa picture?

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon