13; Cross Paths

2.9K 74 9
                                    

"Uuwi ka na ba pagkatapos nito?" Narinig kong tanong ni Celeste kaya bahagya ko siyang nilingon. Inayos ko ang suot kong dress bago sumagot.


"Tapos na naman ang schedule ko ngayong araw, right?" Humarap ako sa salamin at nag-pout. Huling photoshoot ko na 'to ngayong araw pagkatapos ay pwede ko na makita si Logan. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Nitong mga nakaraang araw ay madalas siyang umuuwi sa condo ko.

May kumatok sa pintuan kaya't napukaw ang atensiyon ko mula sa pag-iisip. Binuksan ni Celeste ang pinto at pumasok naman si bakla.

"Ikaw na, baks."

Tumango lang ako at bahagyang inayos ang buhok na nagulo. Lumabas ako agad kabuntot si Celeste na may hawak na make-up kit ko. Gusto ko na lang matapos ang photoshoot na ito.

Miss ko na si Logan.

After a few hours natapos na rin sa wakas ang photoshoot ko.

"Bye! See you around." Kumaway ako sa mga co-model ko bago magpunta sa parking lot ng studio.

Bago pa ako makalapit sa kotse ko, nakita ko si Luigi na nakasandal at patingin-tingin sa suot nitong wrists watch nito.

"Luigi." Pagtawag ko sa binata na agad namang lumingon sa gawi ko. Umayos siya ng tayo at ngumiti sa akin.

"Hi." Lumapit ang lalaki at kinuha ang dala ko na ikinagulat ko.

"Ako na magdadala niyan." sabi nito. Nagtatakang pinaubaya ko na lang sa kaniya ang bag ko.

"Ano ka ba, nasa likod mo lang naman ang kotse ko." Napapairap na sabi ko pagkatapos ay natawa ng bahagya. Kumamot siya sa kaniyang ulo at nahihiyang ngumiti.

Tumigil ako sa pagbukas ng pinto at hinarap si Luigi. Tinaasan ko siya ng kilay.

"May sasabihin ka ba?" tanong ko. Napakamot ulit siya sa ulo niya. Pinigilan kong hindi siya kurutin dahil ang cute niya mahiya.

"Yayayain sana kitang makipag-date." bulong niya. More on sa sarili niya lang pero narinig ko naman. Buti na lang lagi akong naglilinis ng tenga ko.

Napaisip ako. Luigi is courting me noon pa. Kung hindi ako papayag makipag-date sa kaniya baka magtaka siya. Kung papayag naman ako, paano si Logan? May usapan kami na magkikita kami sa isang restaurant sa Bulacan. Kung tatanggihan ko ang alok ni Luigi, ano naman ang idadahilan ko?

"Let's date, Marie." Nakatitig niyang sabi sa akin at ngumiti. Nag-isip ako ng dahilan na pwedeng sabihin. May usapan kami ni Logan at ayokong hindi tumupad.

"Luigi kasi–"

"Lui?"

Parehas kaming napalingon sa likod ko. Bahagya akong nagulat nang makilala ang babaeng naglalakad na ngayon palapit sa amin. Napakurap ako. Hindi ko alam kung tatalikod ba ako, aalis o magpapanggap na hindi siya kilala.

"Long time no see, Lui. Kumusta?" tanong ng babae at kumapit sa braso ni Luigi. Hindi ko mapigilan na hindi pagtaasan ng kilay ang mga kamay ng asawa ni Logan na ngayon ay nakakunyapit sa braso ni Luigi.

Close ba sila?

"Okay lang naman ako. Ikaw?"

Nagkumustahan sila at parang hindi nila ako napansin. Kahit si Luigi ay nakalimutan na narito ako. I faked a cough.

"Oh, I forgot!" Inalis ni Luigi ang kamay ni Hailey at tumingin sa akin. Lumapit siya at inakbayan ako. Gustuhin ko man tanggalin ang kamay ni Luigi sa balikat ko, pinigilan ko. Ayoko naman na magmukhang rude sa harapan nila.

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon